• Home
  • News
  • Reggee's Digest: Vice Ganda, ayaw mahiwalay kay Kris

Reggee's Digest: Vice Ganda, ayaw mahiwalay kay Kris

Vice, may update tungkol sa pagkakaibigan nila ni Kris

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/23/2016 in News
Reggee's Digest: Vice Ganda, ayaw mahiwalay kay Kris

By Reggee Bonoan


Hindi nagpatumpik-tumpik ang Star Cinema sa pelikulang "The Super Parental Guardians" nina Vice Ganda at Coco Martin dahil mapapanood na ito sa Nobyembre 30 mula sa direksyon ni Binibining Joyce Bernal.
 
Hindi pinalad na mapasama ang "TSPG" Metro Manila Film Festival (MMFF) kaya naman sa grand press con ng pelikula sa Impressions Restaurant, Resorts World kahapon, November 22, ay hiningan ng komento ang "GGV" host.
 
“Honestly, na-sad kasi ang intention namin ay sumali sa film fest, pero ready kasi kami, ‘yung kami (production) at Star Cinema, ready kami kung anong gagawin namin kung hindi masasali sa film fest.  Kaya hindi kami nataranta, tapos una sad nung nasa 'Showtime' ako, at natawa kasi si Vhong (Navarro) din, so dalawa kaming hindi napili.
 
“Nag-usap nga kami na sabi ko, ‘Siguro kung ikaw lang ‘yung napili tapos ako hindi, masakit sa akin. Pero dahil dalawa tayo, hindi masyadong masakit," kuwento ni Vice.
 
Nang makauwi na raw ng bahay niya si Vice ay naiyak siya sa mga tweet sa kanya.
 
“Nagre-react ang mga tao at hinahanap nila ‘yung pelikula namin ni Coco this year, sobra akong na-overwhelm kaya naiyak ako. Iyak ako nang iyak kasi nagkaroon ako ng realization na may maganda na pala akong naiambag sa mga buhay ng mga tao tuwing Pasko na hinahanap nila ako ngayong Pasko at Bagong Taon. Na naging bahagi na pala ako nila at gusto nila ngayong Pasko, bahagi pa rin kami.. Ang sarap na I was able to do something right, I was able to do serve my purpose kasi iyon ‘yung purpose ko eh, magpasaya at magpatawa ng tao, magpangiti, magpahagikgik, magpagaan ng pakiramdam at iyon ang naramdaman nila sa mga huli naming pelikula.
 
“Kaya na-serve ko ‘yung purpose ko, I was just so happy.  Itong pangyayaring ito na mas napaaga ang pagpapakita ng pelikula, it’s a big blessing,” kuwento ni Vice.
 
At pagkatapos ng Q and A ay kinumusta si Kris Aquino kay Vice.
 
“Alam mo kanina habang nagi-interbyuhan tayo (Q and A), kaya hawak ko ang telepono ko kasi tumatawag siya (Kris), kasi nasa bahay siya at may nakasalubong siya sa elevator na ano (sabay tawa ni Vice), ‘Ay nakasalubong ko sa elevator si ano, chu chu chu.  Meron kasi siyang ini-intriga sa akin.
 
“Kris Aquino is a very strong woman, kung anuman ang pinagdadaanan niya ngayon, kayang-kaya niya ‘yan, mamaniin niya ‘yan.  Sa rami ng pinagdaanan ng pamilya niya, ito pa bang mangyayari ngayon, hindi niya kakayanin? Kering-keri ni Kris ‘yan. Tatawanan lang niya ‘yan,” sagot ng TV host.
Hindi man daw sila nagkikita ni Kris ay nagkakausap naman daw sila parati at si Bimby daw ay nagkakausap sila through Face Time.
 
At kung si Vice ang masusunod ay gusto niyang magkasama pa rin sila ni Kris sa ABS-CBN.

“Ayaw natin ng naghihiwalay, mas maganda kung iisang pamilya tayo para masaya,” aniya.
 
Inalam namin kung totoong si Vice ang namamagitan kay Kris para kausapin si ABS-CBN Chief Operating Officer na si Ms. Cory Vidanes para ipaalam na gusto na nitong bumalik sa Kapamilya network.
 
“Ay hindi naman totoo ‘yan.  Kris never asks me to do anything, to be like a bridge or middleman, wala.  Actually hindi nga namin pinag-uusapan ‘yun eh.  Tuwing mag-uusap kami, naghaharutan lang kaming dalawa, masaya kami.
 
“Ako kasi kapag alam kong malungkot ang kaibigan ko, ayaw ko siyang palungkutin at hindi rin ako madawdaw o pakialamera o tsismosa.  Kung hindi siya (Kris) magkukuwento, hindi rin ako nagtatanong. And since hindi rin naman niya ino-open lahat, feeling ko gusto niya masaya lang kami,” paglilinaw ni Vice.
 
Saang network na raw si Kris ngayon?

“Ayokong magtanong at ayoko ring maramdaman niya na kapag tinawagan ko siya, nagfi-fish ako.  Gusto ko kapag nag-uusap kami, kaming dalawa ‘yung pinag-uusapan.  Ayokong maramdaman niyang kumukuha ako ng tsismis,” sabi niya.

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.


The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: ViceGanda 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER