• Home
  • News
  • Michael Pangilinan, may free concert para sa 21st birthday niya!

Michael Pangilinan, may free concert para sa 21st birthday niya!

Reggee's Digest: Sasamahan si Michael ng special friend niya na si Garrie Concepcion sa concert!

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/20/2016 in News
Michael Pangilinan, may free concert para sa 21st birthday niya!

By Reggee Bonoan


Limang taon na music industry si Michael Pangilinan bilang produkto ng reality show na X Factor na napanalunan naman ni KZ Tandingan noong 2012.
 
At dahil sa maraming blessings na natatanggap niya ay gusto niyang mag-give back sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya.
 
Ayon kay Michael, “sa loob ng 5 taong pamamalagi ko sa music industry, I guess it's time for me to give back. Sabi nga, its payback time sa mga nagmamahal at sumusuporta sa akin, di ba?
 
“Over the years, I truly realized na ito talaga ang mundong gusto kong tahakin - ang pagiging singer/performer. And I'm truly grateful to all of you - to my manager (Nanay Jobert Sucaldito) who has always stood by me since day one - I promise you na hindi ko pababayaan ang karerang ito and I will be a better boy.
 
“Thanks also to my audience, sa Michael'Overs na nagtitiyaga sa akin, my producers, my sponsors, members of the media na palaging nandiyan sa tabi ko and to my family - to my mom and dad and siblings - Kuya Sam and Peter, whew!
 
“To my son Ezekiel na inspirasyon ko sa bawat minuto - one day ay magsasama rin tayo. Mahal na mahal kita anak ko. And of course, to Almighty God na sobrang bait hindi lang sa akin kungdi sa ating lahat.
 
“Kaya dapat magkita-kita tayo sa Rajah Sulayman Park sa November 26 at magkantahan tayo.


“Gusto ko ring ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat kina Mama Laarni Enriquez at Tito Joseph Estrada for allowing me to hold my FREE concert sa Rajah Sulayman. Hinding-hindi ko po makakalimutan itong regalo niyo sa akin.”
 
Ang titulo ng free concert ni Michael ay "Si Erap, Si Michael at ang mga Manilenyo "kasabay sa 21st birthday ng singer at gaganapin sa Rajah Sulayman Park, Roxas Boulevard, Malate, Manila on November 26, 2016 from 4-7 PM.
 
Ang mga guest ay sina Vice Ganda, KZ Tandingan, Marion, Garie Concepcion, Hashtag Nikko Seagal Natividad, Kuya Boy Abunda, Kiel Alo, Ezekiel, Kyle Matthew Manalo, Jake Ejercito, Allan K, Boobsie Wonderland, Ate Gay, Atak, Harana, Bugoy Drilon, Jovit Baldevino, Pink Mannequins, Jimmy Bondoc, Duncan Ramos, Ady Siwa, Wowowie Dancers, Richard Parojinog, Stefanie Patana and President/Mayor Joseph Esrada, hosted by DJ Chacha and Romel Chika.
 

Ang musical director ng show ay si Ivan Lee Espinosa kasama si Marnie Jereza at Sam Gaddi bilang back-up singers.

Ang si Erap, si Michael at ang mga Manilenyo ay presented ng  SmartBro and PLDT Home, major sponsors Aficionado Germany Perfume, Livergold, M Lhuillier, Erase Placenta, Harmony and Homes, Ideal Vision Center, Mama Lily and Daddy Henry Chua, Atty. Carmelita Lozada, Mr. Neal Gonzales, Mr. Art Atayde, Mr. Atong Ang, Guiguinto, Bulacan Mayor and Mrs. Boy and Precy Cruz, Ms. Josie Yu, Xentro Malls, Mr. & Mrs. Nixon at Adela Teng, Mr. Boy Abunda at Isabela Gov. Bojie Dy.


Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.


The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER