• Home
  • News
  • Jonathan Manalo shares favorites

Jonathan Manalo shares favorites

Regee's Digest: Jonathan Manalo, nahiya kay Songbird.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/20/2016 in News
Jonathan Manalo shares favorites

By Reggee Bonoan


Personal choice raw lahat ni Jonathan Manalo ang mga singer na mapapanood sa selebrasyon niya sa music industry sa pamamagitan ng concert na may titulong KINSE:  The Music of Jonathan Manalo na gaganapin sa Music Museum sa Disyembre 3, 7PM.
 
Ang guest performers ay sina Vice Ganda, Brenan, Gloc 9, Liezel Garcia, Alex Gonzaga, Toni Gonzaga, Sam Milby, Jona, Juris, Kyla, Morissette Amon, Piolo Pascual, Janella Salvador, Thor, Erik Santos, Marion, KZ Tandingan, Aiza Seguera, Yeng Constantino, Lani Misalucha at Gary Valenciano.
 
Sabi ni Jonathan, “hindi talaga ako mahilig humingi ng personal favor, kaya sabi ko, ngayon lang ako manghihingi ng favor sa mga ito, sana pagbigyan nila ako, kaya sobrang tuwa ko nu’ng pumayag silang lahat para sa isang gabing celebration.”
 
May ibang singers na nagawan na rin ng kanta o naka-trabahong si Jonathan pero mas pinili niya ‘yung may naging signature hit songs na siya mismo ang sumulat.
 
Tinanong namin kung sino ang pinaka-paborito niya sa lahat ng nagawan niya ng kanta, “naku, ang hirap, favorite ko silang lahat,” natawang sagot sa amin.
 
Ni-reveal ni Jonathan na gusto niyang imbitahin din sana sina Regine Velasquez at Lea Salonga, kaso sobrang nahiya na siya.
 
“Nahiya ako, hindi ko tinawagan (REgine), siguro sa 25th year na lang.  si Lea, nahiya talaga rin ako,” pag-amin pa.
 
At ang favorite niyang composer sa local, “ako si Mr. C (Ryan Cayabyab), lahat naman tayo tinitignan natin. Special mention ko si kuya Jungee Marcelo, siya kasi talaga ‘yung mentor ko, so I look up to him.”
 
Diretsong tanong din namin sa kompositor kung naka-experience na siya ng singers na ayaw mag-record o wala sa mood at hindi sisipot sa recording.
 
“Ay oo, kasi iba-ibang personality, iba-ibang ugali.  Ako kasi number one sa akin to build relationship and rapport, build mutual respect, so aalamin mo talaga ang ugali nila kasi artist ‘yan, kumbaga may mga moods ‘yan na sasakyan mo, aalamin mo kung paano sila nago-operate as an artist or as a singer, so ‘yun ang challenge na enjoy ko kasi may personal relationship ako sa kanila,” pagtatapat ulit.
 
Ano ang ginagawa ni Jonathan kapag ayaw mag-record, “naku kapag ayaw nilang mag-record, hindi puwede! Mino-motivate ko sila.  I bring them to that creative space na lalabas ‘yung pinakamagandang expression ng pagkanta nila.”
 
At ang pinakamadaling artist na kuha kaagad ang kanta na isang pasada lang, “Sa lalaki si sir Gary at sa babae, si Ms Lea,”pag-amin ulit sa amin.
 
Si Regine naman daw ang pinaka-nahirapan o na-intimidate si Jonathan dahil, “kasi siya ‘yung diva of all divas. At hindi rin siya Kapamilya kaya hindi ko siya tinawagan, pero everytime na nakaka-trabaho, parang panaginip lang kasi legend si Ms Regine kaya very thankful ako na naka-trabaho ko siya on some projects (soundtrack sa movie nina Regine at Piolo – Paano Kita Iibigin).”
 
“Si sir Gary, hindi pa rin nawawala ang pagka-starstruck ko kasi forever idol ko siya, ang dami na naming nanagawang songs together, award winning songs, pero everytime na napapasok ako sa studio with him, ganu’n pa rin, fan pa rin ako,” kuwento ni Jonathan.
 
Ang KINSE: The Music of Jonathan Manalo ay supported ng ASAP, MYX, MOR 101.9, Manila Concert Scene, ABS.CBN.com, Onemusic.PH at BillboardPH at produced ng Cornerstone Concerts and Star Events.


Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.


The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: NULL 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER