• Home
  • News
  • DanRich, ready na magpakasal?

DanRich, ready na magpakasal?

Reggee's Digest: Emo na ang mga taga-"Be My Lady!"

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/20/2016 in News
DanRich, ready na magpakasal?

By Reggee Bonoan


Aminado ang magkarelasyong Erich Gonzales at Daniel Matsunaga na napag-uusapan na nila ang kasal at nagkakatanungan nga kung saan ito gaganapin since pareho silang Christian.
 
Napag-usapan ang tungkol sa kasal dahil may wedding scene ang dalawa sa nalalapit na pagtatapos ng seryeng "Be My Lady."
 
Halos lahat ng nagtatapos na teleserye ay ang pagpapakasal nang dalawang bida ang finale scene pero sa "Be My Lady" ay iba raw, sabi ng business unit head na si direk Ruel S. Bayani dahil ikinasal na sila at abangan ang susunod na mangyayari.
 
Anyway, nabanggit ng DanRich na habang kinukunan ang wedding scene nila ay naging emosyonal silang lahat kasama ang buong cast ng Be My Lady dahil nga malapit na silang maghiwa-hiwalay.
    
Kuwento ni Daniel, “It was one of the times that we had everyone together, ’di ba? And we had all the emotions going on including malapit nang matapos, ’di ba? One week na lang.
    
“And at the same time, you see the love of your life, your real girlfriend entering, ’di ba? Kaya super-real na real ang mga emotions namin kaya iyak nang iyak kami nu’ng umpisa.”
    
Ang kuwento naman ni Erich sa tanong tungkol sa tunay nilang kasal ni Daniel.
 
“Everything has its time naman so siyempre, when we get there naman, we’ll let you know but as per Phil and Pinang’s wedding, sobrang thankful lang talaga kami sa lahat kasi it’s not easy talaga na gawin ’yung ganu’ng klaseng wedding kasi, unang-una, ’yung hand to mouth kami ngayon, ’yung taping namin, everyday which is like mga 2 hours lang ’yung sleep, and then our location pa is in Pampanga and sobrang dami ng ano. ’Yung weather, sobrang init, pawis, lahat and then ’yung mga insekto, sari-sari ’yan every night.
    
“So, nu’ng napanood na namin, sabi namin, sobrang worth it talaga lahat at ’yung mga feedback ng viewers like sa social media, sobrang ’yun talaga ang nakakapag-inspire pa sa amin to do our best kasi our goal naman talaga from the beginning was very clear to make their mornings a good one and you know, positive and so far po, ’yun naman po ang nangyayari so we’re just very grateful and very honored to be part of the show and we will forever treasure this opportunity,” pahayag ng aktres.
 
Samantala, pagkatapos ng Q and A ay biniro namin si Erich kung anong masasabi niya sa sinulat namin noon na sila na ni Daniel na itinanggi niya sa presscon ng Two Wives at sabay sabing, ‘ate Reggs, nangi-intriga ka ha.”
 
Sinulat kami namin ang dalawa na nasa Grub Restaurant , dalawang taon na ang nakararaan na sobrang sweet nila habang nagpapalipas ng oras dahil guest ang aktres sa programa noon nina Boy Abunda at Kris Aquino.
 
Tumawa si Erich kaya tinanong siya ni Daniel kung ano ‘yun at sabay lingon sa kasintahan,  ‘remember when we have a promo, we were in Grub? She wrote it.
 
Sabay sami ng aktres, “wala pa kami no’n , char lang ha, ha, ha. Wala pang aminan noon kami.”
 
Tinanong namin ang dalawa kung hindi ba sila naalarma nab aka mauwi sa hiwalayan ang relasyon nila dahil pumayag silang makunan ng naka-damit pangkasal?
 
Ganito kasi ang nangyari noon sa mga magkakasintahan at naging mag-asawang sina Gabby Concepcion/Sharon Cuneta at Carmina Villaroel/Rustom Padilla bukod pa sa mga magkasintahan noon sina Sharon at Richard Gomez at marami pang iba.
 

Katwiran ni Erich, “we don’t believe po in premonitions, we believe in God, so if God willing, sa tamang panahon po mangyayari iyon, e, di masaya.  Honestly, hindi po natin alam kung anong mangyayari sa future kung kami ba talaga in the end.  But like right now, ini=enjoy po namin ang isa’t isa at ‘yung foundation ng relationship namin in Jesus Christ.
 
“Alam din naman namin na in every relationship, hindi lang ‘yun puro saya lang, di ba? Darating tayo sa punto na may mga inisan o magagalit ka. But at te end of the day, there’s two people na who refuse to give up on each other and we’ll make it work naman and we’re almost two years na rin po.”


Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.


The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER