• Home
  • News
  • Reggee's Digest Ejay Falcon, spotted with someone new?

Reggee's Digest Ejay Falcon, spotted with someone new?

Ejay Falcon, may bago nang dine-date?

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

10/6/2016 in News
Reggee's Digest Ejay Falcon, spotted with someone new?

By Reggee Bonoan


Spotted namin si Ejay Falcon na may kasamang maputing girl na medyo tsinita, naka-maong dress at white rubber shoes samantalang naka-short, white shirt with prints, nakasuot ng baseball cap at naka-black rubber shoes naman ang aktor sa Robinson's Magnolia noong Miyerkules ng bandang 9:30 ng gabi.

Hindi namin namukhaan si Ejay nang makasalubong namin dahil sobrang tangkad niya at takip ang mukha sa suot niyang baseball cap pero nahalata namin siya nang bigla siyang nagulat at napatigil maglakad nang makita kami at kaibigang reporter din.

Biglang naunang dumiretso ang girl sa mga kaibigang naghihintay sa may tabi ng snack bar at sumunod din doon si Ejay.
 
Pansin naming nag-iingat si Ejay sa mga kilos niya at at ayaw niyang dumidikit sa kanya ang kasamang babae habang nasa lobby kami ng Cinema 3.

Pagkatapos ng pelikula ay nagkasalubungan kami ni Ejay habang palabas siya at papasok naman kami ng comfort room at alam naming tiningnan niya kami.
 
Kuwento ng mga kasama namin na nasa hallway na habang nasa loob kami ng banyo ay sumandal sa dibdib ni Ejay ang kasamang girl at nang makita kaming lumabas ay bigla silang naghiwalay.
 
May tanong kami kay Ejay, wala naman siyang ka-loveteam na masisira. Bakit ayaw niyang ipaalam na may girlfiend siya?  
 
Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.


The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: EjayFalcon 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER