• Home
  • News
  • Reggee's Digest: Yeng at Vice, nagkakabanggaan ba?

Reggee's Digest: Yeng at Vice, nagkakabanggaan ba?

Bakit nahihiya si Yeng kay Vice?

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

10/24/2016 in News
Reggee's Digest: Yeng at Vice, nagkakabanggaan ba?

 
By Reggee Bonoan


Hindi pala close sina Yeng Constantino at Vice Ganda, pero okay naman sila kapag nagkikita lalo’t pareho silang hurado sa "Pinoy Boyband Superstar" at isa rin ang Pop Rock Princess sa "Tawag Ng Tanghalan" judge sa "It's Showtime" kung saan host naman ang Unkabogable Star.
 
Sabi ni Yeng sa isang contestant ng "Pinoy Boyband Superstar" na umere noong Sabado, “Parang lumipas lang siya (Sef Hynard) and you want that in a group (band), dapat nagmarka ka.”
 
Kaya namin ito nasabi ay dahil sa tuwing mapapanood namin ang "PBS" ay laging nagmamarka sa amin ang mga sinasabi ng mga huradong sina Aga Muhlach, Sandara Park, Yeng, at Vice sa mga contestant na minsan ay hindi sila nagkakaisa ng pananaw.
 
Madalas magkasalungat sina Yeng at Vice kaya tinanong ang una kung hindi ba sila nagkakapikunan ng Unkabogable Phenomenal Star dahil minsan ay nahuhuli ng kamera na nagi-iba ang facial expression ng dalawa.
 
“Hindi naman po, kami ni Vice ‘yung tipo na very casual kami, aminin ko kasi na talagang na-starstruck pa rin ako sa kanya hanggang ngayon, medyo nahihiya pa rin nga ako para sa kanya.
 
“Halos every day nga kami magkasama sa "Showtime," hindi kami ‘yung chummy-chummy talaga, very casual. Nandoon pa rin ako sa side ‘yung nafa-fascinate pa rin kasi ako sa kanya,” paliwanag ni Yeng.
 
Minsan kasi "yes" si Yeng at "no" naman si Vice at may comment na hindi maganda, wala pang sakit na nararamdaman ang songwriter.
 
“Hindi naman ako nahu-hurt kapag may nasasabing hindi maganda, hindi kasi ako ganung type na person.
 
“Katwiran ko kasi, opinyon mo ‘yun, ako may opinyon naman ako na iba.  Pero if I know na medyo masasagasaan ko ‘yung opinyon niya, I make sure na yayakapin ko siya (Vice) after (the show)...
 
“Hindi lang po siguro ganun ‘yung relationship namin, pero hindi kami magkaaway, nandoon lang po kami.
 
“And I believe that relationship, nade-develop through time at hindi pinipilit. Kung sakaling maging close, edi ang saya-saya ko naman,” paliwanag ng Pop Rock Pricness.
 
Ang magandang sabi pa ni Yeng ay iginawa niya ng kanta si Vice.

“Nakaabang lang po.  Actually, si Vice ang nag-request kay Kuya Jonathan (Manalo), ‘uy, ipasulat mo naman ako ng song from Yeng.’
 
“So bago ko iparinig kay Vice, binuo muna ni Kuya Jonathan ‘yung areglo. Ano siya, happy ‘yung melody, pero ‘yung lyrics, medyo sad.  Magaan lang, hindi masyadong cry-cry kasi si Vice comedian.”
 
Hayan klaro na, hindi magkaaway o nagkakapikunan sina Yeng at Vice, casual lang daw sila.
 
Samantala, tinanong si Yeng kung bakit may "and" sa billing ng apat na divas na sina Kyla, KZ Tandingan, at Angeline Quinto sa show nilang "Divas Live in Manila" na mapapanood sa Nobyembre 11 sa Smart Araneta Coliseum. Ibig bang sabihin ay ang produkto ng "Pinoy Dream Academy ang pinakasikat sa kanilang apat"?
 
“Hindi po, wala akong nafi-feel na ganun.  At saka sa 'ASAP' po 'di ba, nagi-introduce kami ng mga may ‘and’?  Parang hindi ko po siya nafi-feel na ‘ah kapag nasa huli ka, ibig sabihin, ikaw ‘yung pinaka-ano (sikat).  Wala po ‘yun sa isip ko,” katwiran ni Yeng.

 

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.


The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER