• Home
  • News
  • Reggee's Digest: How Jake found out he's Baby Ellie's father

Reggee's Digest: How Jake found out he's Baby Ellie's father

Jake Ejercito opens up on being Ellie's dad

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

10/24/2016 in News
Reggee's Digest: How Jake found out he's Baby Ellie's father

 

By Reggee Bonoan


Kasama ng katotong Jobert Sucaldito sina Jake Ejercito, Ms Laarni Enriquez,  Jerika Ejercito, at Ms Liz Alindogan sa restaurant ng Novotel Hotel noong Linggo ng gabi at kaagad naming tinext ang katoto kung puwedeng makausap ang ama ni Ellie.
 
Ang diretsong tanong namin kay Jake ay bakit umabot pa nang dalawang taon bago niya aminin na siya ang tunay na ama ni Ellie.
 
“Nalaman ko (nag-iisip), more than a year ago. Actually, almost two years ago, yeah, almost two years ago,” paulit-ulit na sagot ni Jake.
 
Hirit namin, ‘and that’s December?”
 
“Yeah, about December,” tumawang sagot ni Jake.
 
Inamin kay Jake na nalaman din naming siya ang tunay na ama noong December 2014 habang nasa New York, USA kami sa mga kaibigan din niyang nakilala namin na naroon din.
 
“Ha, ha, ha, umabot sa ibang bansa, yes almost two years ago, and Ellie was already 3 (years old) when I found out,” natatawang sabi rin ng binatang ama.
 
At ang dahilan ni Jake kaya hindi siya kaagad nagsalita ng malaman niyang siya ang ama?
 
“Well, sa akin kasi, I’m very grateful that I never denied it, kapag tinatanong ako, my answers were not straightforward, but I never denied it. Kaya ganu’n ang mga sagot ko na hindi ko sinasagot nang straightforward kasi ang importante sa akin is to protect Ellie and I mean, it wasn’t me naman who was pinpointed, there’s someone else, I wasn’t identified naman as the father, so for me, I don’t really owe anyone an apology kasi hindi naman ako nag-pinpoint kundi iba and I never denied it kapag tinatanong ako, sabi ko lang, ‘I’ve been there for Ellie ever since she was conceived, 'di ba?
 
“If you ask me bakit ang tagal from the time na nalaman ko until the time na na-reveal na, it wasn’t for me to announce or to reveal, kasi alam kong maraming maaapektuhan and most of all, ang iniisip ko lang, si Ellie rin,” paliwanang ng binatang ama.
 
Noong nanganak daw si Andi Eigenmann ay nasa London si Jake kaya hindi niya nakita kaagad ang bata.
 
“I was still based in London when she [delivered Ellie], that was November 2011, siguro na-meet ko siya (Ellie) nung nag-Christmas break.
 
“To be honest, hindi ko naramdaman ‘yung sinasabing lukso ng dugo, actually in-anticipate ko na, meron kaya o wala and that’s why kasi ang paniwala ko rin talaga [si Albie Casino] sa iba.
 
“Even so, I was still there since then, and I am very grateful kasi, no regrets, ako lang kilala ni Ellie na daddy niya, ever since,” tumawang sabi ni Jake.
 
May ideya ba o naririnig ni Ellie ang pangalan ni Albie?

“I don’t think so,” kaswal na sabi ng daddy ng bagets.
 
Biro namin, "good thing hindi pa nagi-internet si Ellie," at natawang sagot ni Jake, “hindi pa (natawa), ‘yun nga, eh.  siguro dararating din doon.”
 
At sa kasalukuyan ay hindi raw nag-uusap sina Jake at Andi.

“Unfortunately, no! ”sabi sa amin.
 
Simula raw noong nagkasagutan sila sa Twitter ay totally wala ng komunikasyon ang dalawa.
 
“Well, nu’ng ginawa ko po ‘yun, the very first week [sumagot], alam kong talo ako, but kasi maraming nangyari behind the scenes na I felt like I have to stand up for myself at least just this once.  Kahit talo ako sa mata ng public which just happened, 'di ba ‘yung Andi-Jake Twitter party parang ganun.
 
“That was fine with me.  And after less than a month, na-reveal na... vindicated ako, I feel somehow na vindicated ako,” paliwanag ng binatang ama.
 
Sa tanong kung magkakilala sila ni Albie Casino, kuwento ni Jake, “I was able to meet him once, when he was still with Andi. 'Di ba kasi si Andi, barkada ko na since [bata pa], very briefly lang, in passing lang.  Ever since that time, somehow for some reasons, never bumped into him.”
 
May overlap sa kanila ni Albie?

“Siguro nasagot ko na ‘yan before, hindi na kailangang balikan pa,” nakangiting sabi sa amin ng daddy ni Ellie.
 
Alang-alang sa anak nina Andi at Jake ay may chance pa bang magkabalikan sila?
 
“As much as I want to answer na tulad ng sinasabi na I keep my doors open naman, pero feeling ko talaga, wala na, ha, ha” tumatawang sagot ng daddy ni Ellie.
 
Mahal pa ba ni Jake si Andi?

“Hindi na po,” diretsong sagot nito.
 
Inamin naman ni Jake na nahihiram niya ang anak at natutulog pa sa kanya ang bata at nakaka-bonding nito ang mga pinsang anak nina Jerika at Meryll Soriano (kay Bernard Palanca).
 
“She (Ellie) was with me earlier today, tuwa nga si mommy kasi kamukha niya (Ellie), pagmasdan mo, pareho sila ng chin, magkahawig talaga,” masayang sabi ni Jake.
 
Sabay ipinakita naman ni Jerika ang picture ni Ellie kasama ang mga anak nila ni Meryll na magkakasama. Totoo, hawig nga ni Ms. Laarni si Ellie as in.
 
Walang karelasyon ngayon si Jake.

“I’m single now, I just want to focus on my studies and to Ellie, like last night, Ellie was with me, sleepover once in a while.
 
“I’d rather spend my Saturday night with Ellie, kasi I’m based in Singapore, so I was able to fly back once or twice a month, so siyempre, I’ll make it a point to spend time with her, hindi na nga ako lumalabas ngayon,” nakangiting kuwento ni Jake.
 
Sabi namin na rati ay gabi-gabing nasa gimikan si Jake as in party goer talaga siya.
 
“Yeah, those were the days, hindi na talaga, rarely na,” sabi sa amin.
 
Nabago na raw ang lifestyle ni Jake.

“Kasi nga that was two years ago, almost every night, eh, labas ako nang labas, siguro, too much too soon ba tawag do’n?  It’s the same people, same place, parang nagsawa na rin talaga,” sabi niya.
 
At sagot pala ni Jake ang pag-aaral ni Ellie.
 
“Well, ever since naman, when it comes to her schooling, ako naman ‘yun.  I prepared naman talaga, and it started a year ago, yeah, nu’ng nag-start siyang mag-aral.  Doon palang. The rest hindi pa namin (Andi) napapag-usapan.
 
“Well, sinabi ko naman kay Andi na as much as I could help financially, sinabi niya sa akin before na nag-aaral pa ako, kaya pa naman niya, saka na lang daw namin pag-usapan.” pag-alala ni Jake.
 
Graduating na si Jake. “August next year (2017) po, Masters in Marketing,” sey niya.

 

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.


The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: AndiEigenmann 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER