• Home
  • News
  • Reggee's Digest: Julia Montes leaves Star Magic

Reggee's Digest: Julia Montes leaves Star Magic

Julia Montes shifts to another family?

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

10/21/2016 in News
Reggee's Digest: Julia Montes leaves Star Magic

By Reggee Bonoan


Maraming nagulat sa biglaang pag-alis ni Julia Montes sa Star Magic para lumipat sa Cornerstone Talent Management ni Erickson Raymundo.
 
Sa nakaraang presscon ng "Divas Live in Manila" ay tinanong namin si Erickson tungkol dito.
 
“Actually, hindi kami magkakilala talaga ni Julia, hindi nga kami close. Nagulat na lang ako na one of my staff told me na gusto akong makausap, gusto akong i-meet.  Siyempre nakakagulat, bakit?
 
“Then I found out that matagal na pala siyang nagpaalam sa Star Magic, kina Mr M. (Johnny Mahahan) at Ms Mariolle (Alberto).
 
“Tapos ‘yun nga, gustong magpa-manage sa akin. Nagtanong ako at sabi, career move, the usual na sinasabi ng artista kapag nagpapalit ng manager.
 
“Ang ginawa ko, bago ako um-oo kay Julia, nakipag-meeting ako kina Mr. M. at Ms. Mariolle, kasi ayoko namang masira ang magandang relasyon ko sa Star Magic just for one artist.
 
“Maganda ang pag-uusap namin, nagbigay ng blessing sina Mr. M. and Ms. Mariolle at natutuwa sila na sa akin daw lumapit. Very short lang ‘yung meeting namin, pagkatapos no’n nag-usap kami ni Julia at willing daw siya sa lahat ng plano namin,” mahabang paliwanag ng talent manager-cum-producer.
 
Nakakataka talaga dahil alam namin ay mahal nina Mr. M at Ms. Mariolle si Julia dahil nine years old pa lang ang aktres ay alaga na nila. Wala naman kaming nabalitaang naging pasaway o na-involve sa anumang gulo o isyu maliban doon sa naging boyfriend niya si Enchong Dee pero hindi naman sila nagtagal.
 


Ang pamilya ang priority ni Julia dahil siya ang breadwinner kaya wala siyang gustong gawin kundi magtrabaho at sa awa ng Diyos ay nakapagpundar na ng negosyo para sa lola niya bukod pa sa bahay para sa magulang at mga kapatid at ngayon ay may sariling bahay na rin.

Dagdag pa ni Erickson, “Actually, bago ako nag-post na ‘Welcome Julia sa Cornerstone,’ after two weeks siya sa amin.
 
“Hindi ko kasi alam kung paano, kung ipo-post ko kaagad kasi tiyak maraming magtatanong, eh, hayan, tulad mo, nabasa mo nga sa timeline ko,” sabi ni Erickson.
 
Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.


The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: JuliaMontes 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER