• Home
  • News
  • Reggee’s Digest: Arjo, kinontra ang 'kontrabida'

Reggee’s Digest: Arjo, kinontra ang 'kontrabida'

Arjo, may bagong pagtingin sa "kontrabida."

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

10/2/2016 in News
Reggee’s Digest: Arjo, kinontra ang 'kontrabida'

By Reggee Bonoan


Sa ginanap na 1st anniversary presscon ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ay natanong si Arjo Atayde kung paano niya napaghahandaan ang bawa’t eksena niya at hindi ba siya nahihirapang maging kontrabida sa loob ng isang taon.
 
“Mahirap din po at the same time madali lang din kasi magaling din naman ‘yung mga kasama namin, so give and take po.  Kahit sinong maka-eksena ko na nagbibigay ng emosyon, na-absorb ko, madadala at madadala ka ng ka-eksena mo, but basically, to answer the question, mahirap po talaga.
 
“You only do what the character requires, I don’t know up to what extent my character can do, but as of now, I’m focused on one at a time.  Each and every experience na pinasok ko ‘to, ninanamnam ko siya at hindi ko iniisip ahead [anong mangyayari sa susunod], kundi ‘yung ngayon, kung ano ang kaya kong gawin at pagandahin,” kuwento ng aktor.
 
Hindi raw bothered si Arjo na isang taon na siyang kontrabida sa “FPJAP.”
 
“Hindi naman po, kasi for me, it’s just a job and nothing more than that and I love it.
 
“It’s my girlfriend and love of my life acting and it’s a job so for me, so if I can get in a character, I want as much as I want to say I’m doing method, wala tayong oras para gawin ‘yun.
 
“But as far as I’m concerned, I’m slightly doing it in a way na I believe my character and I love my character in each every experience,” katwiran ng binata.
 
Natanong din kung nagkaroon na ng hindi magandang experience si Arjo kapag lumalabas siya ng bahay dahil nga sa napakasamang papel niya sa aksyon serye nila nina Coco Martin.
 
“Meron din naman po, but that’s very rare, kasi naman ang mga viewers natin ngayon ay very smart.
 
“Mga bashers, hindi ko naman masyadong pinapansin, actually wala naman, pero hindi maiiwasan and I don’t think reading whatever messages [meron ako],” katwiran ni Arjo.
 
Samantala, may ibang paniniwala si Arjo sa terminong “kontrabida.” Kung dati raw kapag tinawag ka ng ganito ay ang sama-sama mo na at iba na ang tingin sa ‘yo.
 
“Actually, for me it’s a different, ang kontrabida the way I saw it before and as I learned through the years, ‘pag sinabing kontrabida, masamang tao, no, it’s not that.
 
“Ang kontrabida pala has a different belief and each and every person on us, so practically, that’s my logic right now of being a kontrabida, I’m not bad.  I just had another belief. I have big responsibilities and doing,” paliwanag ng aktor.
 
At dahil kontrabida nga si Arjo sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ay mari-redeem ba niya ang sarili sa ending o dapat ba siyang mag-demand na dapat may redeeming value siya?
 
“Redeeming value, that’s that Filipino value look for, that’s why nagkakaroon ng [good side] sa dulo, may humanity.
 
“Me? Am I looking for one now?  No I’m not.  Kasi if it comes, it comes, for me what I’m doing is wrong and know it’s wrong but that’s what I’m born to be,” katwiran ng aktor.
 
At dahil effective ng kontrabida ngayon si Arjo Atayde ay hindi na ba niya type gumawa ng romantic comedy project na bagay naman sa kanya dahil leading man material naman ang binata.
 
“Gusto ko naman po, but honestly speaking, puwede naman akong maging kontrabida for teleseryes and doing rom-com is something I want to do it and some other roles para makita ko and… to explore.  So from there, gusto ko munang makita kung ano talaga ang strength at weakness ko,” pahayag ng aktor.
 
Nabanggit din ni Arjo na sensitibo sila sa kanilang kontrabida characters nina Albert Martinez at Mr. Eddie Garcia ay parang sadya sa mga nangyayaring current news ngayon lalo na pagdating sa droga dahil nga drug lords sila sa “FPJAP.”
 

“Honestly speaking, mahirap magsabi ng we’re going with the current issues kasi sometimes, nauuna pa kami sa news ‘di ba, if you notice.

“Kahit kami nagugulat, so then and there, we have to build certain characters and certain nuisances, to certain doings, to certain thinking na ganun talaga. So we tried to adopt whatever is given to us,” paliwanag ni Arjo.
 
Samantala, sobrang hinangaan na naman ang acting ni Arjo sa Friday episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa eksenang nalaman niyang inambush ang nanay at kapatid niyang babae at ang sakit ng iyak niya habang nasa morgue at yakap ang kapatid.

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.


The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: ArjoAtayde 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER