• Home
  • News
  • Reggee's Digest: Robin Padilla gives update on Mariel, Mark Anthony

Reggee's Digest: Robin Padilla gives update on Mariel, Mark Anthony

Robin Padilla also comments on possibility of working again with Sharon Cuneta

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

10/12/2016 in News
Reggee's Digest: Robin Padilla gives update on Mariel, Mark Anthony

By Reggee Bonoan


Nasa Amerika ngayon si Mariel Rogriguez-Padilla na asawa ni Robin Padilla dahil doon siya manganganak sa Nobyembre 21 at aminado ang aktor na parati silang nagkakausap ng asawa niya dahil wala naman daw silang problema sa komunikasyon.

 

Nakausap namin si Robin sa nakaraang Jing Monis Barber Shop launching sa bago nitong bukas sa B Hotel, Scout Rallos, Timog Quezon City noong Lunes. Dito, nabanggit ng aktor na hindi naman daw problema ang komunikasyon ng mag-asawa dahil ayon kay Robin ay parati silang magkausap ni Mariel.

 

Kuwento ni Binoe tungkol kay Mariel, “walang problema sa komunikasyon, umaga pa lang magkausap na kami sa pamamagitan ng Facetime, 'pag matutulog kami, magkatabi rin kami dahil nandoon lang ‘yung [monitor], wala kaming problema, ‘yun lang physical na nayayakap mo, ako ‘yung nakakapag-injection sa kanya, kasi ngayon siya na ang nagi-injection sa sarili niya.

 

“Apat ‘yung injection niya, dalawang insulin at 2 nefarin.  Dapat limang injection ‘yun, ako ‘yung isa, eh hindi naman puwede kasi nandito ako,” birong seryoso ni Binoe.

 

Alam naman ng lahat kung ano ang dahilan kaya hindi pa nakakasunod si Robin sa America. Ito’y dahil wala pa siyang US Visa.

 

Sabi ng aktor, “hindi naman ako nawawalan ng pag-asang hindi mabigyan ng US visa kasi hindi naman ako problema ng United States of Amerika at sa aking palagay ay mabuting tao naman ako at hindi naman ako gagawa ng gulo ro’n. Kailangan ko lang suportahan ‘yung asawa ko roon.”

 

Ano'ng paraan ang ginagawa ni Robin para mabigyan siya ng visa ng Amerika?

 

“Nag-file kami ng parole visa, hindi nga visa ang tawag doon, humanitarian parole yata tawag doon kasi, ‘yun daw ang pinakamabilis.  Hindi ko naman nakikitang may problema, siguro maghihintay lang tayo ng proseso,”kuwento ng aktor.

 

Sa tanong kung humingi ng tulong si Robin kay Presidente Rodrigo Roa Duterte na sinuportahan niya noong kampanya, punto niya, “Wala pa naman akong hinihingi kay Mayor lalo na sa usaping iyon, hindi, naniniwala naman ako na walang dahilan para i-deny ako ng United States of America dahil hindi naman ako kalaban. Mabuting tao naman ako sa palagay ko.”

 

Sa kabilang banda ay nakapunta na pala ng Angeles City Jail si Robin para dalawin ang pamangkin niyang si Mark Anthony Fernandez na kasalukuyang nakapiit dahil nahulihan ng isang kilong marijuana.

 

Pero hindi raw nagawang bumaba ni Robin ng sasakyan dahil sa rami ng tao at reporters na nakaabang na may microwave (satellite) pa.

 

“Siguro masasabi ko na isa ako kaagad na nandoon nu’ng nangyari sa kanya, hindi lang ako makapronta dahil nakaabang kayo (media) ro’n. Meron pang naka-live sa labas ng presinto, hindi ako nakababa sa pinto, pero bumaba naman si Betchay (Vidanes, manager ng aktor), nag-usap naman kami sa telepono, hinihintay ko na lang na makarating siya sa kanyang final abode, doon na lang ako pupunta.

 

“Kung sa City Jail ba siya dadalhin o kung saan man, doon kami makakapag-usap, sa ngayon kasi ang kailangan ni Mark, Panginoong Diyos, hindi kami, hindi ako, lahat kami, lahat tayo support lang, pero ang kailangan niya sa panahong ngayon, relationship niya sa Panginoong Diyos, ‘yun ang number one niyang kailangan ngayon,” kuwento ng aktor.

 

Nagkomento rin si Binoe sa pagiging kontrobersyal ni Presidente Duterte, hindi lamang sa ibang bansa kundi maging sa abroad.

Ang nangyayari kasi ngayon kapag nagsalita nang hindi maganda kay Presidente Duterte ay negatibo ang dating o kaya bina-bash ng anti-Duterte.

 

“Hindi naman, naranasan ko rin naman ‘yan nu’ng wala pa si Mayor, ako ang number one na bumabanat sa administrasyon ni PNoy (Noynoy Aquino), ganun talaga.

 

“Kapag wala sa oras na nakaupo ‘yung sa iyo (sinuportahang kandidato), e talagang mababakbakan ka. Tanggapin natin ‘yun, kung baga may law of gravity ‘yan, eh.

 

“Eh, ikaw ang nasa itaas, tanggapin mo lahat kapag bumanat ka, nagdaan ako diyan, naintindihan ko ‘yan. Naintindihan ko si Agot (Isidro), ganu’n talaga mas pinili ninyong maging rebolusyonaryo kayo at ipaglaban ang opinyon, tatanggapin mo lahat ‘yan (bira), kung ayaw mo ng gulo, magpakumbaba ka na lang. Ngayon kung gusto mo ng gulo, hindi namin kayo pipigilan,”paliwanag pa ng aktor.


Ito ay hinggil sa pagtawag ng kapwa niyang artista na si Agot Isidro sa isang Facebook post na "psychopath" ang pangulo.

 

Napag-usapan din ang pagbabalik-pelikula ng ex-leading lady at ex-girlfriend ni Robin na si Sharon Cuneta. May sitsit na muling magsasama ang dalawa sa pelikula ng Star Cinema.

 

At nakakatuwa ang reaksyon ng aktor, “wow, isang malaking karangalan dahil ang sexy ni Ma'm (tawag niya kay Sharon), nakita ko ‘yung kanyang mga bagong litrato, wow!

 

“Magmula nu’ng huli kaming magkita sa 'PGT (Pilipinas Got Talent),' pinakita sa akin ni Mariel, sabi niya, ‘Babe ang payat-payat ni Mam!’

 

“'Yun pala, ako ang pinaghahandaan ni Mam? My goodness, okay I’m ready.  Ready ako diyan, isang malaking karangalan na ako ang napili, naku! Na-excite ako bigla, namawis ako (sabay tingin sa mga kamay), ano kayang title nito, ‘Maging Anuman Ako?’” natawang sabi ng aktor.


Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.



The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER