• Home
  • News
  • Reggee's Digest Michael gives update on visitation rights with child, relationship with Garie

Reggee's Digest Michael gives update on visitation rights with child, relationship with Garie

Michael Pangilinan, inaming limang buwan nang hindi nakikita ang anak

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

10/10/2016 in News
Reggee's Digest Michael gives update on visitation rights with child, relationship with Garie

By Reggee Bonoan


Nakakatuwa talaga si Michael Pangilinan dahil para na siyang stand-up comedian kung makipag-tsikahan sa entertainment press na dumalo sa second album launching niya handog ng Star Music na ginanap sa Musicbox Comedy Bar sa Timog Avenue na naging tambayan niya noong hindi pa siya kilala.
 
Sumeryoso lang nang kumustahin namin ang anak niya na hindi niya nakikita ng limang buwan na.
 
Naisulat namin dati na dalawang buwan ng hindi nakikita ni Michael ang anak niya noong naka-tsikahan namin siya sa Solaire Theater sa isang press con.
 
Nabanggit pa nga noon ni Michael na idadaan niya sa legal action ang lahat para makita ang anak.
 
Kaya sa album launching ni Michael ay tinanong namin ang update sa bata,

Sagot niya, “Magiging okay na po ‘yun bago matapos ang taon na ‘to makakasama ko na ‘yung baby ko.  Ongoing pa rin naman po ‘yung nangyayaring usapan about my visitation rights.”
 
Sa tanong kung nag-hearing na sila ng nanay ng anak niya, paliwanag niya, “Malapit na pong dumating doon, ayaw ko po sana kasi abala, e, sarado po siguro [isip] nila.  Limang buwan ko na pong hindi nakikita ang anak ko.
 
“Actually po, lagi ako nagtatanong kung ano ang kailangan ng baby, hindi po nila sinasabi at saka ayaw nilang tanggapin ang sustento ko.  Kaya wala po akong magagawa, pero may ginagawa naman ako para sa anak ko.”
 
Samantala, kinumusta namin kung may offer pang gumawa ng pelikula ulit o serye si Michael at natawa kami sa sagot niya.
 
“Ayoko pong mag-artista, ang hirap, siguro first and last ko po ‘yung 'Pare, Mahal Mo Raw Ako.' Hindi ko po talaga linya ang umarte, kakanta na lang ako. Sa serye, hindi ko alam kay Nanay (Jobert Sucaldito) kung meron, basta ako, ayoko pong umarte, kakanta lang ako,” diin ng singer.
 
Sabi namin na karamihan sa mga singer ngayon ay pinapasok na rin ang pag-arte dahil hindi naman laging may gigs o shows.
 
“So far po, okay naman ako, hindi man ako sikat, hindi naman po ako nawawalan ng shows, sa isang linggo, nakakaapat naman ako o more pa, okay na ‘yun, nakakaipon naman po maski paano.
 
“Kaysa naman sikat nga ako, minsanan lang ang show, edi gutom din, kaya kuntento na po ako sa ganito, kung mas aangat pa, edi maraming salamat. Hindi ko naman po minamadali ang sarili ko, basta steady lang po. Heto may second album na so masaya kasi maski ang higpit ng kumpetisyon ngayon sa recording, hindi pa rin ako pinabayaan ng Star Music at ni nanay (Jobert) na siyang producer ng album ko.
 
“Masaya ako kasi may sinulat akong kanta sa album ko, ‘yung 'Tanging Ligaya Ko.' And the rest of the songs po, si Nanay na ang pumili. ‘Yung 'Hanggang Kailan' po ang carrier song ko sa self-titled album ko,” kuwento ni Michael.
 
Napakinggan namin ang mga awiting nakapaloob sa album at gustung-gusto namin ang version ni Michael ng "Ayoko Na Sana" (Ariel Rivera), "Tag-Ulan Tag-Araw" (Hajji Alejandro), "Everything I Own" (Bread) at "Kung Sakali" (Pabs Dadivas). Kasama rin ang mga awiting "Angels," "Tayo Na Lang," "Angel," "Pare Mahal Naman Kita," "Bakit Ba Ikaw," "Crossroads," at "Parang Tayo Pero Hindi."
 
Nahasa nang husto ang boses ni Michael at hindi naman niya itinatanggi na nati-threaten daw siya sa mga kasabayan niya sa kapareho niyang genre na R&B.
 
“Oo naman lalo na sa kasabayan ko tulad nina Daryl Ong, Jay-R, Kris Lawrence, lahat ng R&B singers.  Every time na naririnig ko sila, iniisip ko na dapat mas okay ako sa kanila.
 
“Walang masama sa pagiging competitive, mas okay ‘yun dahil malalaman mo kung kaya mo pang i-enhance ‘yung kakayahan mo sa pagkanta at para mangyari ‘yun, hard work din. Lagi akong nakikinig ng mga runs, mga kulot para masanay ako.
 
“Pero hindi sila threat sa singing career ko kasi kung wala akong trabaho, edi wala, kung meron, edi meron,” paliwanag ni Michael.
At isa pang inamin din ni Michael ay gusto niyang sumali sa Cosmo Bachelor Bash sa 2017 kaya pala ang laki ng pagbabago ng katawan ngayon ng singer.
 
“Actually po, nagbago talaga ako, simula nag-gym ako, doon nawala ang sigarilyo, alak, puyat, labas-labas, kumain ng hindi magagandang pagkain like fatty food, bad carbs, more on healthy food po ako. Mas may disiplina po ako ngayon dahil sa gym.
 
“Plano ko kasing mag-Cosmo next year, totoo po ‘yan. Puwede akong mag-endorse na naka-topless ako.
 
“May abs na po ako, tama na ang six-pack abs lang. Iba-iba po kasi ang abs, merong 10, merong 8, merong 6.
 
“Kaya ko inaalagaan ang sarili ko kasi gusto ko pagtanda ko po, healthy pa rin ako, hindi katulad ng iba na iba na ang porma ng katawan,” paliwanag nang mabuti ni Michael.
 
Tinanong din namin ang relasyon ni Michael sa anak ni Gabby Concepcion kay Grace ibuna na si Garrie.
 
“Doing good po, malapit na kami mag-one year, so far okay kami.  Plano nga po naming magbakasyon out of the country this year.  Mamimili po kami ng wakeboard sa Hong Kong, ito po kasi ang kinahihiligan ko ngayon,” kuwento ng alaga ng katotong Jobert.

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.


The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER