• Home
  • News
  • Joross Gamboa, may bagong ipapakita sa 'MMK'

Joross Gamboa, may bagong ipapakita sa 'MMK'

Joross Gamboa and Roxanne Guinoo compete for Polo Ravales’ affection in “Maalaala Mo Kaya” January 23 episode.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

1/22/2016 in News
Joross Gamboa, may bagong ipapakita sa 'MMK'
Tunghayan ang kwento ng isang transgender at isang babae na naghati sa pagmamahal ng iisang lalaki ngayong Sabado (Jan 23) sa “MMK.”
 
Isang transgender woman si Sashi (Joross Gamboa) na nakipaghiwalay sa kanyang karelasyong lalaki matapos siyang iwan nito para sa isang babae. Matapos masaktan, makikilala at mahuhulog ang loob niya kay Rex (Polo Ravales) na lingid sa kaalaman niya ay nasa isang relasyon na sa kanyang longtime girlfriend na si Fats (Roxanne Guinoo).
 
Parehong ayaw sumuko nina Sashi at Fats sa pag-angkin ng puso ni Rex. Kaya naman mapipilitin ang dalawang manatili sa relasyon at maging kahati ang isa't isa, lalo na't hindi rin makapili si Rex kung sino nga ba ang higit niyang mahal.
 
Paano pagsasaluhan nina Sashi at Fats ang pag-ibig ni Rex? Magkasundo pa kaya sila sa kabila ng kanilang kakaibang sitasyon? Sino nga ba ang pipiliin ni Rex sa huli?
 
Bibida sa “MMK” episode na ito sina Roxanne Guinoo, Joross Gamboa, Polo Ravales, Maritess Joaquin, IC Mendoza, at Lassy. Ang episode ay Raz De La Torre and written by Benson Logronio. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.
 
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.
 
Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. . I-tweet o ipost ang inyong opinsyon sa episode ngayong lingo gamit ang hashtag na ‪#‎MMKMagkaribal.
 
Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.
 
 
Source: https://www.facebook.com/MMKOfficial/posts/1003925549646472?__mref=message

The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
Periscope: StarCinema

For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER