• Home
  • News
  • Maricar Reyes plays OFW on 'MMK'

Maricar Reyes plays OFW on 'MMK'

"MMK" will feature a story of an OFW from Dubai.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

1/16/2016 in News
Maricar Reyes plays OFW on 'MMK'

KATATAGAN AT SIPAG NG ISANG OFW SA DUBAI, ISASABUHAY SA “MMK”

Tunghayan ang kwento ng katatagan at inspirasyon ng isang OFW sa Dubai na sinuong ang lahat ng hamon para sa pamilya ngayong Sabado (Jan 16) sa "MMK."

Bata pa lang sy Lyn (Maricar Reyes) ay sinusubok na ng tadhana ang kanyang katatagan. Mula sa pagpanaw ng kanyang ama hanggang sa maaga niyang pagiging ina, matapang na hinaharap ni Lyn ang lahat.

Maging ang sariling pangarap maging abogado ay kanyang isinantabi para makiopagsapalaran sa Dubai at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak. Sa kasamaang palad ay nbaloko siya ng kanyang sponsor na nangakong hahanapan siya ng trabaho sa Middle East.

Paano ngayong haharapin ni Lyn ang kalbaryo sa ibang bansa na walang ibang malalapitan o masasandalan? Hanggang kailan niya kayang ilihim sa pamilya ang pagdurusang dinaranas?

Kasama rin sa upcoming episode ng “MMK” sina James Blanco, Lotlot De Leon, Simon Ibarra, Gerald Madrid, Bea Saw, Raquel Montessa, Minnie Aguilar, Ynez Veneracion, at Viveika Ravanes. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval, at panulat ni Benson Logronio. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. . I-tweet o ipost ang inyong opinsyon sa episode ngayong lingo gamit ang hashtag na ‪#‎MMKOFW‬.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
Periscope: StarCinema

For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: MaricarReyes 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER