• Home
  • News
  • Tonton Gutierrez, Agot Isidro prove that true love waits on 'MMK'

Tonton Gutierrez, Agot Isidro prove that true love waits on 'MMK'

Is it possible that your first love can also be your last love? Watch the “MMK” episode this Saturday.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

9/30/2015 in News
Tonton Gutierrez, Agot Isidro prove that true love waits on 'MMK'

Papatunayan ng dating magkasintahan na ang iyong first love ay maaaring maging iyong last love kahit na lumipas pa ng 50 taon sa naaiibang kwento ng pag-ibig ngayong Sabado (Oct 3) sa “MMK.”

Halos sabay na lumaki ang magkapitbahay na sina Prima (Sofia Andres) at Teddy (Diego Loyzaga). Naging mabuti silang magkaibigan hanggang sa mauwi sa mas malalim na pagtitinginan ang kanilang samahan.
Aalukin ni Teddy si Prima ng kasal ngunit tatanggihan ito ng dalaga at mas pipiliin ang pag-aaral. Ito ang mag-uudyok kay Teddy para manatili na sa Estados Unidos at magpakasal sa iba roon. Masasaktan naman si Prima at magpapasya na rin na magpatuloy sa buhay at magsimula ng sarili niyang pamilya.

Bagamat may sarili ng mga buhay ay hindi pa rin makalimutan nina Teddy (Tonton Gutierrez) at Prima (Agot Isidro) ang isa’t isa. Parehong mababalo ang dalawa at sa kanilang muling pagkikita pagkalipas ng 50 taon, manumbalik pa kaya ang dating pagtitinginan?

Tampok rin sa episode sina Marina Benipayo, Elisse Joson, Emmanuelle Vera, Carla Humphries, at Claire Ruiz. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Elfren Vibar, at panulat ni Joan Habana. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.
The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER