• Home
  • News
  • Paul Salas, Francis Magundayao, and Sunshine Cruz star this week’s MMK episode

Paul Salas, Francis Magundayao, and Sunshine Cruz star this week’s MMK episode

Pamilya at Pangarap, titimbangin ngayong Sabado sa “MMK.”

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

8/28/2015 in News
Paul Salas, Francis Magundayao, and Sunshine Cruz star this week’s MMK episode

Gagampanan nina Paul Salas, Francis Magundayao, at Sunshine Cruz ang kwento ng isang pamilyang susubukin ng panahon at pagkakataon ngayong Sabado (Aug 29) sa “MMK.”

Bata pa lamang ay sadlak na sa kahirapan si Aurora (Sunshine) at mga anak na sina Mark (Paul) at Michael (Francis). Kaya naman noong limang taong gulang si Mark ay ipinaampon ito ng ina sa pag-asang magkaroon ito ng mas maayos na buhay.

Dahil dito lalaking mailap si Mark sa ina at kapatid hanggang sa nadestino ito sa Cebu para mag-aral. Sa kanilang pagkakawalay, matutuklasan ni Mark ang pagpunta ni Aurora sa Maynila at iisiping inabandona na nito sila ni Michael. Sisidhi ang galit sa puso niya at sisikaping magtapos ng pag-aaral para mapatunayan sa ina na kayang niyang tumayo sa sariling paa.

Hanggang saan kayang titiisin ng anak ang ina? Paano mababago ang kanyang pagtingin oras na malaman ang nililihim palang karamdaman ni Aurora? Alin ang mas matimbang, ang pangarap o pamilya?

Kasama rin sa upcoming episode ng “MMK” sina CX Navarro, Nhikzy Calma, Daria Ramirez, William Lorenzo, Carla Guevarra, Pepe Herrera, Mccoy De Leon, Raquel Montesa, at Lui Manansala. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Frasco Mortiz, at panulat ni Mark Duane Angos. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “The Voice Kids” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na ‪#‎MMKPursuitOfDreams‬
Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sawww.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.
The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: ABSCBN 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER