• Home
  • News
  • Manolo Pedrosa plays Maris Racal’s gay lover on ‘MMK’

Manolo Pedrosa plays Maris Racal’s gay lover on ‘MMK’

“PBB” teens Manolo Pedrosa and Maris Racal conquer stereotypes on “MMK” this Saturday.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

8/19/2015 in News
Manolo Pedrosa plays Maris Racal’s gay lover on ‘MMK’

Kakaibang love story ang pagbibidahan ngKapamilya teen stars na sina Maris Racal at Manolo Pedrosa sa “Maaalaala Mo Kaya” ng ABS-CBN ngayong Sabado (Agosto 22).

Sa kwento, gagampanan ni Maris ang karakter ni Zyra, isang teenager na mayroong maraming ‘di magandang karanasan sa pag-ibig. Sa pagpasok siya ng kolehiyo, muling umasa si Zyra na matatagpuan niya ang lalaki na kanyang pinapangarap nang makilala niya si Arnie (Manolo), ang kanyang kaeskwela na isang bading.

Dahil sa pagiging binabae ni Arnie, ikinagulat ng lahat ng aminin nito na nahulog na rin ang kanyang loob kay Zyra.

Ano ang ginawa nina Zyra at Arnie para patunayan sa lahat ng tao na ang kanilang pag-iibigan ay tunay at tapat?



Kasama rin sa upcoming episode ng “MMK” sina Irma Adlawan, Jestoni Alarcon, Paolo Angeles, Joj Agpangan, Barbie Imperial, Raine Salamante, Ryan Bacala, Fifth Solomon, Alfred Labatos, CJ Navato, at Junjun Quintana. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Raz dela Torre, at panulat ni Benson Logronio.

Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “The Voice Kids” sa ABS-CBN.

Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na ‪#‎MMKGayCharming.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile.

Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER