• Home
  • News
  • ABS-CBN President Charo Santos delivers sentimental speech

ABS-CBN President Charo Santos delivers sentimental speech

ABS-CBN President Charo Santos-Concio expresses gratitude to Kapamilyas in a heartfelt speech.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

8/12/2015 in News
ABS-CBN President Charo Santos delivers sentimental speech

ABS-CBN President Charo Santos-Concio turned emotional as she delivered the closing speech yesterday, August 11, for the Kapamilya Awards 2015, which aims to celebrate the hard work, dedication, and sacrifices of the network’s employees.
 
The event was hosted by Kim Chiu, Xian Lim, Maxene Magalona, and TJ Manotoc.

Read the full transcript of the speech below:
 
 “Magandang gabi po mga Kapamilya.
 
“Taun-taon ko pong inaabangan ang gabing ito dahil pagkakataon ko po ito para makasama kayo, lalu-na yung mga kapamilya na bihira kong makasama sa araw-araw.
 
“Napaka-special po ng gabing ito dahil ang cine-celebrate natin ay hindi programa o artista o ratings, kung ‘di kayo, mga kapamilya.
 
“Sa inyo ang gabing ito.
 
“Recognition po ito sa inyong pag-aambag ng oras, sipag, tiyaga, talino, at galing, sa ating kumpanya na tinuturing nating isang malaking pamilya.
 
“Alam ko po, na kahit may sweldo naman tayo at benepisyo, hindi naman po mababayaran ang galing at talino.
 
“Hindi naibabalik ang oras na ginugol. At ang inyong sipag at tiyaga ay hindi napupulot lang kung saan; hinugot pa ninyo iyan sa malasakit at pagtingin sa ating kumpanya.
 
“Priceless po ang inyong mga ginugol sa ABS-CBN. And tonight we recognize and honor your priceless contribution.
 
“In ABS-CBN’s humble way, we are showing our gratitude.

“A form of gratitude that is both a blessing and a prayer, a hope that you will always remain as generous with your time and talent to our Kapamilya community.
 
“A form of gratitude that is a bond, a relationship, a family.
 
“Iba’t ibang milestones ang binigyang parangal natin ngayong gabi.
…may 5 years, may ten, 15, 25 and so on.
 
“May napuna lang po ako, na alam kong nararamdaman din ninyo:
iba-iba pala ang nagiging kahulugan ng parangal sa isang kapamilya sa pagdaan ng taon sa buhay niya.
 
“Ito ay dahil nag-iiba din ang kahulugan ng inyong trabaho sa ABS-CBN.
 
“Noong bata pa tayo o bagong graduate, pumasok tayo sa ABS-CBN dahil sa isang pangarap.
 
“Baka pangarap na makatapak sa loob ng isang kumpanyang ating hinahangaan—gusto nating maging bahagi ng mundong dating napapanood lang natin sa TV at sinehan.
 
“Syempre nariyan na rin ang pangarap na magamit ang pinag-aralan at makaangat—makapag-abot sa magulang, makapagpaaral ang kapatid, mapagamot ang kaanak na maysakit, o makaipon.
 
“Nariyan na rin ang pangarap na gumaling, na matuto, at balang araw mapromote at mamuno.
 
“Kung gayon, para sa inyo, ang parangal na ito ay isang validation for a job well done.
 
“Pero pag tumatagal ka na sa trabaho…aba, teka lang, nahuhulas na,
nakakaramdam ka na ng pagod.
 
“At lahat po tayo nagdaan diyan.  Nagdaan din po ako sa hulas.
Hindi lang po ako nagpapahalata
 
“But seriously, nag-iiba na ang kahulugan ng trabaho at ng ABS-CBN, pag medyo matagal ka na. Kasi nagiging ibang  tao ka na rin.

“Nagmature ka na. May mga unang tagumpay ka na.
 
“What else does your life and career have to offer?
 
“Baka ang pangarap mo na ay isang sasakyan o ng bahay, baka may pamilya ka na, o kaya pagsusuporta at paaral na ang iniisip mo?
 
“Bukod doon, dito mo sa ABS-CBN natagpuan ang galing mo, sa departamento kung saan ka nahiyang.
 
“Pero darating din sa buhay mo ang pagsubok.

“No life in ABS-CBN is complete without risks and failures. Trails. Crises. Painful lessons. Darating at darating ang panahon at masasaktan ka. And you will spend time in the dark night of your soul.
 
“At dito, maitatanong mo sa iyong sarili, Sino ba ako? Ano ba ang mahalaga para sa akin? Ano ba ang gusto kong marating sa buhay ko?
 
“At minsan sinisisi mo ang ibang tao, sinisisi mo ang budget, ang research, ang kumpanya, ang tadhana, pero ang sarili mo?
 
“Naisip mo ba na baka nasa kamay mo ang tagumpay at pagkabigo?
 
“Noong may hininging sakripisyo ang sitwasyon, binigay mo ba? Noong kailangang manindigan ka, nanindigan ka ba? Naging matapang ka ba? Hinarap mo ba ang iyong responsibilidad?
 
 
“All of us, in big or small ways, have been called to heroism.
 
“Life in ABS-CBN calls for a fair amount of sacrifice.  Nobody promises us an easy life.
 
“We could not have succeeded if not for the risks and the failures.
 
“We will not be where we are now, if not for the sacrifices we all gave to our community.
 
“At habang hinahanap ninyo ang kasagutan sa katanungang ‘yan,
lumingon kayo sa kaliwa at kanan sa inyong opisina, at makikita ninyo ang mga katrabaho ninyo, ang inyong team, ang inyong unit—napamahal na sila sa inyo.
 
“Ilang beses na nila kayong sinalo, ilang beses ninyo na rin sila sinalo. Saan ka pa hahanap ng ganitong pagsasamahan? Nandito rin ang ikalawang pamilya mo.At saka mo marerealize na nandito rin pala ang puso mo.
 
“Sa mga kapamilyang nasa gitna ng kanilang pakikibaka sa buhay at career, iba ang kahulugan ng parangal na ito.
 
“This is a symbol of your heroism, your fighting spirit, your sacrifice, your willingness to break through, to win against all odds, sometimes to do even the impossible.
 
“It is also a message—this is where you are meant to be, everyone you love is here, what you love to do, you're doing it here. At ang iyong mga kapamilya ay kaabay mo sa buhay.
 

“We are all a part of each other’s life now. So these awards come as an inspiration, cheering you to charge ahead and win more battles for us, your beloved second family.

“At sa ilan-ilan naman sa atin, especially yung mga kasabayan ko,
Meron pa ba? The golden boys and girls, we can say we have reached the prime of our lives.
 
“’Pag naaabot na ninyo ang taon ko, magbabalik-tingin din kayo, tulad ko, at itatanong din ninyo sa sarili niyo:
 
“Nagdaan na ba lahat ng mga taon? Napakalaking parte pala ng buhay ko, ibinigay ko na sa ABS-CBN! Naitawid ko pala. Nairaos pala.
 
“And I ask myself, ‘did I really deserve all the breaks that I got?
Or is it the work of someone bigger than me?’
 
“And we look back and see the wonderful years of victories and sacrifices, of lessons learned, of the people we have mentored na nagtatagumpay na ngayon, to the small units we established that have become big and prosperous, of the projects we have been a part of, na naging hits and successes.
 
“And the beautiful thing is that we look back at those years NOT with pride, but with a deep sense of humility.
 
“We do not see our successes as our personal achievements alone, but as the product of the joining hands of the whole community.
 
“We could not have done it alone. We needed one another all those years, we needed grace, and we needed God, however we perceive him to be.
 
“We of a certain age, also made peace with our past, our failures and regrets, our pains.
 
“They are all part of the big story.  The trials were there for the lessons. Iron can be forged only by fire.
 
“Then we realize—Ang buong buhay pala natin all along ay isang call to service.
 
“We have been called to serve the Filipinos. And 15 or 20 or 25 years ago, we said yes. We made the choice. We invested our hearts, minds and spirit. In our own small and big ways. We served them and we served them well.
 
“Kaya para sa inyong tinutukoy ko, ang parangal na ito ay isang malaking pasasalamat, hindi lamang ng ABS-CBN, kung di pasasalamat din ng bawat Pilipinong pinaglingkuran ninyo.

“This time we wish to share our wisdom to as many people as possible, so that they can continue what we have begun.
 
“We feel the need to give back, to leave a legacy, to ensure that future generations will be in a better place because of us.
 
“We allow the younger generations to have their moments onstage.


We hold their hands and catch them when they fall. The same way a mentor held our hands when we were young.
 
“To us, it is the time of paying it forward. The time of grace. Para sa ating mga pioneers and veterans, those who have seen it all, those who have stayed with us through thick and thin, nang bumagsak ang ratings, at umangat, nang malungmok tayo sa Ultra, at nakabangon, at sa iba’t ibang pagsubok na nagdaan sa bawat taon,
 
“Ano ang parangal na ito?
 
“Mahirap pong ipaliwanag. Walang salitang sapat. Walang trophy na sapat. Siguro po maikukumpara ang gabing ito… sa isang mainit na yakap, isang tapik sa balikat, o isang pagpisil ng kamay.
 
“Yes, we did it. It was not just… a job well done, it was a life well lived.
 
“As for me, ABS-CBN has been a place of love for the past 28 years. It is a place where truth about myself confronted me, where I was assailed my unending risks and challenges but also blessed with countless opportunities, where I learned to observe and to empathize. 
“Where I have had to opportunity to teach and share. And it has been a magical, wonderful, and joyous place. ABS-CBN is a place where I grew and learned. It is a place where I have become the best I can be and it is a place where I truly have been in service of the Filipino.
“There is no other place I would rather have spent my last 28 years than here with you.
 
“Gabby, thank you very much for giving me the opportunity to lead our Kapamilyas. My fellow exe-com members, each of you I get to work with on a daily basis, and all of you Kapamilya, who wear the ID of ABS-CBN with pride and love…
 
“And to all the Kapamilyas, in all ages and years of service, thank you, thank you very much for the great moments. The moments that will always live in my heart.
 
“Thank you for your loyalty and hard work. May utang na loob ako sa inyo na hindi ko maaaring bayaran.
 
“And I can only repay you with prayers and love. Thank you for the courage and the team spirit. Dahil naging matapang tayong lumaban at magtagumpay, dahil alam kong katabi ko kayo.
 
“Nasa likod ko kayo at sa inyo ako sumandal.
 
“At higit sa lahat, maraming salamat sa inyong pagmamahal.
 
“Mahal na mahal ko po kayong lahat.
 

“Congratulations.”

 

 

The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: CharoSantos 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER