• Home
  • News
  • Joey Marquez, Patrick Garcia plays father and son on 'MMK'

Joey Marquez, Patrick Garcia plays father and son on 'MMK'

‘MMK’ features an extraordinary tale of a father and son

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

7/3/2015 in News
Joey Marquez, Patrick Garcia plays father and son on 'MMK'

Kwento ng isang anak at ng kanyang amain ang ibabahagi ng “Maalaala Mo Kaya” ng ABS-CBN ngayong Sabado (Hulyo 4) tampok sina Patrick Garcia at Joey Marquez.
 
Sa kabila ng pag-iwan sa kanya ng tunay na ama, lumaki si Macky (Patrick) na buo at masaya dahil sa pagmamahal ng kanyang ina na si Marciana (Ara Mina) at ng lalaki na tumayo bilang ikalawa niyang tatay na si Renato (Joey). Ngunit nasira ang magandang samahan ng kanilang pamilya nang biglang pumanaw si Marciana at inakala ni Macky na hindi siya tunay na pinahahalagahan ng kanyang amain.
 
Ano ang mga hirap na pinagdaanan ni Macky nang naramdaman niya na parang nawala ang parehong magulang na naging sandigan niya? Paano nga ba nila inayos ni Renato ang kanilang nasirang pagsasama?
 
Makakasama nina Patrick at Joey sa upcoming “MMK” episode sina Bugoy Carino, Perla Bautista, Richard Quan, Nathaniel Britt, Alexa Macanan, Anjo Damiles, Archie Alemanio, at Luke Jickain. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Raz dela Torre at panulat ni Benjamin Benson Logronio. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.
 
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” ngayong Sabado, 8:30PM, pagkatapos ng “The Voice Kids” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.
 
I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na‪#‎MMKStepdad.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.
 
The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER