• Home
  • News
  • Julia Montes plays a mistress in upcoming ‘MMK’ episode

Julia Montes plays a mistress in upcoming ‘MMK’ episode

Julia-Montes-plays-a-mistress-in-upcoming-MMK-episode

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

7/10/2015 in News
Julia Montes plays a mistress in upcoming ‘MMK’ episode

Mahalagang aral tungkol sa pag-ibig at likas na kabutihan ng puso ang ibabahagi ng Kapamilya actress na si Julia Montes sa TV viewers ngayong Sabado (Hulyo 11) sa upcoming episode ng “Maalaala Mo Kaya” ng ABS-CBN.
 
Bibigyang buhay ni Julia sa “MMK” ang karakter ni Rosa, isang dalaga na umibig sa isang lalaking lingid sa kanyang kaalaman ay mayroon nang asawa.
 
Sa gitna ng kanilang masayang pagsasama ni Boyet (Joross Gamboa), napalitan ng lungkot at sakit ang nararamdaman ni Rosa nang natuklasan niya ang lihim ng lalaking kanyang pinakamamahal.
 
Bagama’t alam niyang mali ang kanilang relasyon, tinanggap pa rin ni Rosa si Boyet matapos nitong gawin ang lahat para sa kanilang pag-iibigan. Ngunit sinubok ang konsensya at kabutihan ni Rosa nang natuklasan nilang mayroong malubhang sakit ang legal na asawa ni Boyet na si Cheche (Antonette Taus).
 
Tunghayan ang kwento ni Rosa at alamin kung paano nanaig ang kabutihan sa kanyang puso sa kabila ng lahat ng pagkakamaling kanyang nagawa.
 
Tampok din sa upcoming “MMK” episode sina Jobelle Salvador, Ingrid dela Paz, Abby Bautista, at Faye Alhambra. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Theodore Boborol at panulat ni Mary Rose Colindres. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.
 
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” ngayong Sabado, 8:30PM, pagkatapos ng “The Voice Kids” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at ilike ang Facebook.com/MMKOfficial.
 
I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na‪#‎MMKCaregiverMistress

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.
The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER