Melai-is-Pinay-nanny-in-MMK

Melai to depict the hardships of a nanny in Kuwait

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

6/18/2015 in News
Melai-is-Pinay-nanny-in-MMK

Matapos tanghalin bilang kauna-unahang “Your Face Sounds Familiar” grand winner, bagong karakter naman ang gagapanan ng komedyante at aktres na si Melai Cantiveros sa upcoming episode ng “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Hunyo 20).
 
Bibigyang buhay ni Melai sa “MMK” ang karakter ni Joanna, isang babae na lumaki na nakadepende sa kanyang mga magulang at hindi sanay na mga gawaing bahay. Dahil dito, malaking hamon ang naranasan ni Joanna nang nawalan ng trabaho ang kanyang asawa na si Allan (Jason Francisco) at napilitan siyang iwan ang kanilang anak para magtrabaho bilang isang yaya sa Kuwait.
 
Alamin ang kwento sa likod ng mga ngiti ni Joanna at tunghayan ang kalungkutan at pangungulila na kanyang nilabanan para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
 
Ang episode ng “MMK” ngayong Sabado ay pagbibidahan din nina Sharmaine Suarez, Mutya Orquia, Brenna Garcia, Sofia Millares, Althea Guanzon, Jet Alcantara, Ruby Rubi, at Chiqui del Carmen. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz-Alviar at panulat ni Joan Habana. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.
 
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” ngayong Sabado, 8:30PM, pagkatapos ng “The Voice Kids” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.
 
Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sawww.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.
The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: MelaiCantiveros 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER