• Home
  • News
  • Zaijan-Jaranilla-plays-inspiring-student-on-MMK

Zaijan-Jaranilla-plays-inspiring-student-on-MMK

Zaijan Jaranilla as a street child who finished his studies in a prestigious university

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

6/13/2015 in News
Zaijan-Jaranilla-plays-inspiring-student-on-MMK

Bibigyang buhay ng award-winning child actor na si Zaijian Jaranilla sa "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado (Hunyo 13) ang karakter ng isang dating batang kalye na nakapagtapos ng pag-aaral.
 
Matapos nilang maglayas ng kanyang kapatid, namulat si Rustie (Zaijian) sa iba't ibang klase ng bisyo at kasamaan nang napasama siya sa mga batang kalye na nagnanakaw at gumagamit ng droga. Ngunit unti-unting nagbago ang buhay ni Rustie nang nakilala niya ang isang street artist na nagbigay sa kanya ng inspirasyon at pag-asa na tuparin ang kanyang pangarap na makapag-aral sa isang prestihiyosong unibersidad.
 
Paano nga ba nakatulong ang mga hirap at sakit na pinagdaanan ni Rustie para maabot niya ang kanyang mga hangad sa buhay? Saan nga ba niya nakuha ang lakas ng loob para talikuran ang kanyang nakaraan at baguhin ang kanyang kapalaran?
 
Ang episode ng "MMK" ngayong Sabado ay pagbibidahan din nina Andrea del Rosario, Cris Villanueva, Kean Cipriano, JM Ibañez, Jeric Raval, Lance Lucido, Kokoy Desantos, Kyle Banzon, Tanya Gomez, Encar Benedicto, Junjun Quintana, Gerald Pesigan, John Vincent Servilla, Carlo Lacana, Winryll Banaag, at Tony Manalo. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando at panulat ni Ruel Montañez. Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.
 
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, "MMK," ngayong Sabado 8:30pm, pagkatapos ng "The Voice Kids" sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.

 I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na‪#‎MMKDreamAndBelieve. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng "MMK" gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER