• Home
  • News
  • Sue Ramirez, Celine Lim take on daring roles on ‘MMK’

Sue Ramirez, Celine Lim take on daring roles on ‘MMK’

Sue to play as a G.R.O. in upcoming ‘MMK’ episode

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

5/22/2015 in News
Sue Ramirez, Celine Lim take on daring roles on ‘MMK’

KAPAMILYA TEEN STAR, GAGANAP NA MENOR DE EDAD NA GRO SA “MMK.” 

Tunghayan sa “Maalaala Mo Kaya” ng ABS-CBN ngayong Sabado (Mayo 23) ang kwento ng isang dalagitang nagtrabaho bilang isang guest relations officer sa ibang bansa.

Bibida sa episode ang Kapamilya teen stars na sina Sue Ramirez at Celine Lim. Sa kagustuhang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang at kapatid, ginawa ni Liza (Sue) ang lahat para makakuha ng trabaho bilang isang entertainer sa Japan.

Ngunit unti-unting masisira ang pagkatao ni Liza nang lokohin siya ng kanyang recruiter at nang mapilitan siyang mamasukan bilang isang GRO para lamang makapagpadala ng pera sa kanyang pamilya. Ano ang mga pagsubok at sakripisyo na kinailangang gawin ni Liza para matulungan niya ang kanyang mga mahal sa buhay? Paano nga ba niya naibangon muli ang kanyang sarili matapos ang impyernong buhay na kanyang naranasan bilang isang GRO?

Tampok din sa “MMK” ngayong Sabado sina Allan Paule, Isay Alvarez, Eagle Riggs, Anna Luna, Patrick Sugui, Chienna Filomeno, Elisse Joson, Mike Austria, Marnie Lapuz, at Arnold Reyes. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Raz dela Torre at panulat ni Ruel Montañez.

Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” ngayong Sabado, 7:15PM, pagkatapos ng “Home Sweetie Home” sa ABS-CBN.

Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.


I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. 

Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: ABSCBN 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER