• Home
  • News
  • JM de Guzman, gaganap bilang dakilang ama at bumbero sa MMK

JM de Guzman, gaganap bilang dakilang ama at bumbero sa MMK

JM, bilang ama at asawang maiipit sa pagmamahal sa pamilya at tungkulin

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

4/17/2015 in News
JM de Guzman, gaganap bilang dakilang ama at bumbero sa MMK

 


Mapagmahal na asawa at ama na labis ang dedikasyon sa kanyang bokasyong makapaglingkod sa kapwa ang role na gagampanan ng award-winning actor na si JM de Guzman sa family drama episode ng "Maalaala Mo Kaya" ng ABS-CBN ngayong Sabado (Abril 18).

Bibigyang-buhay ni JM ang karakter ni Paul, isang bumbero na sa labis na pagmamahal sa kanyang trabaho ay naisasakripisyo na ang halos buong panahon niya para sa pamilya. Anong pangyayari ang magmumulat kay Paul sa kahalagahan ng balanseng buhay sa trabaho at pamilya? Hanggang saan ang kaya niyang gawin sa ngalan ng kanyang sinumpaang tungkulin?

Bahagi rin ng episode sina Michelle Madrigal, Nonie Buencamino, Ana Capri, Faye Alhambra, Elaine Quemuel, Lorenzo Mara, at Angelo Ilagan. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz-Alviar at panulat ni Joan Habana. Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang "Maalaala Mo Kaya" na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, "MMK," tuwing Sabado, 7:15PM, pagkatapos ng "Home Sweetie Home" sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKFirefighter.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng "MMK" gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: JMDeGuzman 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER