• Home
  • News
  • Vilma Santos, Top 5 richest governor in the Philippines

Vilma Santos, Top 5 richest governor in the Philippines

Money talks with the Star For All Seasons

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

4/14/2015 in News
Vilma Santos, Top 5 richest governor in the Philippines

Bongga pala ang statement of assets ng mag-asawang Sen. Ralfph Recto at Batangas
Governor Vilma Santos nitong nakaraang taon (2014).  No. 2 si Sen. Recto sa pinakamayamang Senador at nasa Top 5 naman si Gov. Vilma sa pinakamayamang gobernador sa Pilipinas.

Naungkat ang tungkol dito nang mag-guest ang actress/politician sa TV show ni Winnie Monsod sa GMA News TV kamakailan. Ayon pa sa kanilang research, sa 81 governors ng bansa, isa nga si Ate Vi sa pinakamayaman.       

“Ako po ba? Pinaghirapan ko naman ’yan,” katwiran agad ng Star For All Seasons.

“Saka naman kasi sa aming mga artista, lalo na kapag umabot ka na sa level na after so many years, blood, sweat and tears na pinaghirapan mo, dumating ka na sa level na you can demand in a day work, pero ayokong magyabang kasi, eh,” ang tila medyo nahihiya pa niyang pahayag

Gaano ba kalaki ang kanyang kinikita bilang artista?

 “Let’s say in a two day’s work, anim na zero na po ’yon. Pag inipon ninyo ‘yon at nahawakan mo nang maayos, ang pera mo eh posible kang umabot ng ganyan. Pera ko, stocks ni Ralph,” tugon agad niya.

May duda man ang ilan sa kinita nilang mag-asawa, ipinagdiinan naman ni Gov. Vi sa panig niya na, “I know my husband. Palagay ko, eh, pinaghirapan naming mag-asawa ’yan nang maayos!” hirit pa niya.

Maging ang dalawang dollar accounts ni Ate Vi ay binusisi din sa programa ni Mareng Winnie.
“Inipon ko po ‘yan. Nu’ng time na meron agad akong income, magpapalit agad ako ng dolyares! Oo, kasi ang feeling ko, for safety ko ’yon.

 “Hininto ko lang ‘yan nu’ng maging public servant ako. Kasi sinabi sa akin ni Ralph, ‘Alam mo na, Vi, pag ‘yang laki ng pera mong ‘yan pinapapalit mo ng dolyares, pinahihirapan mo ang economy ng Pilipinas!’ Ha! Ha! Ha! Nasita ako. Ganoon kasi ako pag may kita agad ako. Kasi interest lang niyan, malaki na. Part of my learning.
“But when I learned na isa ‘yan sa nagpapahirap sa Pilipinas, ng ekonomiya natin, when I became a public servant, medyo… parang a little part of me, ‘huwag na lang!’ Hayaan mo na lang peso ang umikot sa atin,” katwiran pa ng gobernadora.
Nasa ibang bansa ngayon si Gov. Vi para magbakasyon kasama ang kanyang pamilya. Katatapos lang ng kanyang look test with Angel Locsin and Xian Lim para sa gagawin nilang pelikula sa Star Cinema na posibleng simulan ang syuting pagbalik niya ng Pilipinas.

Source: http://push.abs-cbn.com/features/33984/vilma-santos-top-5-richest-governor-in-the-philippines/

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:

Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: VilmaSantos 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER