• Home
  • News
  • Claudine Barretto speaks up about Julia Barretto-Liza Soberano rivalry issue

Claudine Barretto speaks up about Julia Barretto-Liza Soberano rivalry issue

Claudine Barretto talked to Push about her sisters Gretchen and Marjorie and her niece Julia’s forthcoming debut.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

3/4/2015 in News
Claudine Barretto speaks up about Julia Barretto-Liza Soberano rivalry issue

Kailan lang ay lumabas ang desisyun ng korte sa kaso ni Claudine Barretto laban sa kanyang dating kasambahay na si Dessa Patilan na napawalang sala sa nasabing incidenteng pagnanakaw.

Noong eksklusibong nakausap ng Push.com.ph si Claudine, tumanggi na ang aktres na magbigay pa ng reaksiyon sa nilabas ng korte. “I don't want to comment on that, lumang balita na yan.”

Sinubukan din ng Push kuhanan ng reaksiyon si Claudine sa namamagitang awayan diumano ng kanyang mga kapatid na si Gretchen at Marjorie Barretto. Nababalita noon na magkakampi ang dalawa laban sa kanya ngunit ngayon ay may sarili na ring away diumano sina Gretchen at Marjorie. Aniya, “No comment. I said this before and I will say it again, I don't want to be associated or affiliated with them.”

Sinasabing isa sa mga dahilan ng diumano’y gusot sa pagitan nina Gretchen at Marjorie ay ang mas pagpabor diumano ni Gretchen kay Liza Soberano na sinasabing kakumpetensiya ngayon sa showbiz ng kanyang pamangkin na si Julia Barretto. Ito daw ang sinasabing ikinasama daw ng loob ni Marjorie. Nang tanungin si Claudine tungkol dito, agad siyang nagsalita sa depensa ng dalawang bata, “No, stop that, its not true, not true. That is so so far from the truth. I think that is so unfair for Julia even for Liza because both are very beautiful and both are good actresses, too. I actually watch her show also and I know they are actually friends, Julia and Liza, so it's just like Juday (Judy Ann Santos) and I na akala ng tao na hindi okay pero okay. I hope that stops.”

Napag-usapan din ang nalalapit na debut ni Julia at ang nangingiting reaksiyon ni Claudine, “I try not to feel too old.”

Aminadong excited si Claudine para sa kanyang pamangkin at nang matanong kung ano ang hiling niya para sa kaarawan ni Julia, “Malaman ng tao kung ano talaga ang ugali ni Julia. Kasi these past few months I could say na on my part I really was so so hurt and hit so hard na tinitira si Julia. Parang sana ako na lang, yung ganun kasi parang this has been her dream and I am aware of the dreams of my nieces and my nephews and alam ko kung gaano ka-harsh especially now. Kasi nung time naman namin walang social media e so yung bashers ganyan. Ang wish ko is people would see Julia ng hindi nakikita ng tao na hindi man lang alam ng tao na nagcha-charity work yang si Julia. Ang akala lang nila puro arte, puro ganyan, nasasaktan ako sa sinasabi nila yun. Nasasaktan talaga ako kasi now I know how it is during my time na ako ang nasa news, ganito ang pakiramdam ng mga kapatid ko or ng Mommy at Daddy ko, ganun din yung pakiramdam ko kay Julia.”
 
Wala mang maggawa si Claudine sa mga lumalabas na balita kung ‘di depensahan ang pamangkin, nakiusap siyang huwag husgahan si Julia base sa kung ano lamang ang nakikita ng ilang tao sa kanya na hindi naman siya ganun kakilala. “Since I am helpless and I can't do anything, I can't move, I can't defend her, I can't fight for her and I felt so helpless. I am also not in the position to [do anything] because I am not the mother also. So only when I am really needed then will I stand talaga, go forward and tell her that she is a wonderful person and she has a really good heart. Walang pinipiling tao yun. Ang kasalanan niya lang siguro ay napakaganda niya and sana, sana hindi maging judgmental yung tao na kung ano ang naririnig yun na. At a very young age she also has been through a lot.”

SOURCE: https://push.abs-cbn.com/features/29188/exclusive-claudine-barretto-speaks-up-about-julia-barretto-liza-soberano-rivalry-issue/2/

The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER