• Home
  • News
  • 'MMK:' Denise and Arjo in a complicated relationship

'MMK:' Denise and Arjo in a complicated relationship

Denise Laurel and Arjo Atayde play a couple whose relationship gets challenged by unexpected circumstances... and lies.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

3/12/2015 in News
'MMK:' Denise and Arjo in a complicated relationship

Bibida sa "Maalaala Mo Kaya" (MMK) ng ABS-CBN sina Denise Laurel at Arjo Atayde ngayong Sabado (Marso 14). Gaganap sila bilang sina Andrea at Jason, ang magkasintahang overseas Filipino workers sa Saudi Arabia na agarang nagpakasal dahil sa hindi planadong pagbubuntis.

Sa kabila ng pag-abandona sa kanya ni Jason nang ipanganak niya ang isang stillborn baby, nakipagkasundo pa rin si Andrea sa kanyang asawa sa pag-asang makabubuo sila ng masayang pamilyang matagal na niyang pinapangarap. Ngunit mababago ang lahat nang matapos ang apat na taon, matutuklasan ni Andrea ang lahat ng kasinungalingan ni Jason kabilang na ang kasal nilang matagal na palang annulled.

Sapat na ba ang pag-ibig upang mapagtakpan ang lahat ng sakit na idinulot ng mga kasinungalingan ng isang minamahal?

Bahagi rin ng upcoming "MMK" episode sina John Arcilla, Kelly Dela Cruz, Maureen Mauricio, Jamilla Obispo, Dale Baldillo, Menggie Cobarrubias, at Bryan Termulo. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando at panulat ni Joan Habana. Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang "Maalaala Mo Kaya" na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, "MMK," tuwing Sabado, 7:15PM, pagkatapos ng "Home Sweetie Home" sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKMaritalLies.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng "MMK" gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.
The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Denise Laurel on:

Twitter: @D_Laurel
Instagram: @d_laurel

Follow Arjo Atayde on:

Twitter: @ataydearjo
Instagram: @arjoatayde

Follow Star Cinema:

Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER