• Home
  • News
  • TipStar: Ipaalala mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal

TipStar: Ipaalala mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal

Feeling mo ba hindi maramdaman ng minamahal mo kung ga’no siya kahalaga sa’yo? Ipaalala mo gaya ng ginawa ni Apollo kay Irene sa “My Amnesia Girl”!

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

2/3/2015 in News
TipStar: Ipaalala mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal

Aminin natin, kahit na nasa isang stable tayong relationship, may mga panahong sumisirit ‘yung insecurities – whether tayo mismo ang nakakaramdam o ‘yung partner natin.
 
“Mahal ba niya ‘ko talaga?,” “Nagagandahan pa rin kaya siya sa’kin?” – maraming tanong na masasagot lang kung magbibigayan ng assurance na the feeling isn’t gone and never will it be.
 
Kung pabonggahan lang naman sa pagbibigay ng assurance at pagpapaalala ng pagmamahal ang pag-uusapan, numero uno na siguro diyan si Apollo (John Lloyd Cruz) sa “My Amnesia Girl.”
 

 
Nang malaman niyang nagka-amnesia (kuno) ang ex niyang mahal na mahal pa rin na si Irene (Toni Gonzaga), ginawa niya ang lahat para mapaalala dito kung ga’no sila naging kasaya nung sila pa.
 
Balikan natin ang mga bonggang gestures na ‘yan ni Apollo:

Sinorpresa niya si Irene with 28 birthday parties. Ipinareserba niya ang araw na ‘yon para mapaalala lahat ng mga magagandang sandali sa buhay ni Irene.  28 birthdays para sa 28 years ng buhay ng minamahal niya. Tamis!
 

 
28 Christmas gifts. Bukod sa 28 birthday parties, may 28 Christmas gifts ding dinala si Apollo para kay Irene. Galante much?
 

 
Mahal kita kasi… Anong sinabi ng “How do I love thee? Let me count the ways” ni Elizabeth Barrett Browning sa “Mahal kita kasi” post-it notes na idinikit ni Apollo sa buong bahay ni Irene?
 

 
Simple things count. Kahit sa mga simpleng bagay, ipinakita ni Apollo kay Irene na solid ang pagmamahal niya para rito. Lagi niyang dinadalhan ng breakfast sa photo studio si Irene, at sinorpresa rin niya with flowers.

Uso pa rin ang harana. Kahit saan, kahit kailan, puwede mong haranahin ang mahal mo. Si Apollo nga, kinantahan si Irene habang nakasakay sila sa MRT. ‘Di bale nang hindi perfect sa tono, very good naman siya sa sincerity at sweetness.
 


Dalhin siya sa kung saan nagsimula ang lahat. Minsan, sa dami ng mga nangyayari sa isang relasyon, mahalagang maalala kung ga’no kalayo na ang narating niyo at kung paano kayo nagsimula. Ganyan ang ginawa ni Apollo nang i-organisa niya ang reenactment ng speed dating event kung saan sila unang nagkakilala ni Irene. Malamang, bato nalang ang hindi pa matutunaw diyan.
 

 
The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Toni Gonzaga on:
Instagram: @celestinegonzaga

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER