• Home
  • News
  • Reggee's Digest: Paolo defends brother Gab from bashers

Reggee's Digest: Paolo defends brother Gab from bashers

Paolo valenciano on Gab Valenciano: "People should respect that he has his own opinion."

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

12/16/2015 in News
Reggee's Digest: Paolo defends brother Gab from bashers

Sa nakaraang "Gary V Presents" concert ni si Gary Valenciano sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World ay nabanggit nito na sobrang proud siya sa ginawang pagtatanggol ng panganay niyang si Paolo Valenciano sa kapatid nitong si Gab Valenciano na umani ng matitinding batikos mula sa supporters ni Davao Mayor Rodrigo Duterte.
  
Sabi ni Gary ay nasusukat daw talaga ang pagkakaisa ng pamilya at kapwa Pilipino sa ganitong pagkakataon.
 
Sabay segue sa awiting, "Galing ng Pilipino" na sinulat ni Jonathan Manalo para sa TFC 20th anniversary at halos lahat ng tao sa venue ay nagtayuan para sabayan siyang kumanta.
 
Pagkatapos ng show ay nakausap namin si Paolo sa backstage tungkol sa ginawa nitong pagtatanggol kay Gab.
 
“Well, I was very vocal about it online, hindi rin naman ako nag-agree sa lahat ng sinabi ng brother ko, sobra ‘yung response ng tao.
 
“Nu’n nakita ko ‘yung response ng tao, I went thru his (Gab) message again and actually, there were two status, ‘yung una, ang daming nagalit talaga, ‘yung pangalawa, hindi alam ng tao na kaya ginawa niya (Gab) ‘yung second message as a response to the backlash.
 
“And the backlash was very bad, even ‘yung ibang mga supporters ni Duterte parang pinagsasabihan siya (Gab) ng sobra naman na kapag pumunta ng Davao, babarilin daw siya (Gab), parang ‘yung isa sabi, ‘sana raw ma-rape ‘yung asawa ni Gab’ para raw ma-appreciate ‘yung sinasabi ni Duterte.
 
“So, ‘yung mga followers ni Gab like my cousins who were 15 years old, siyempre mababasa nila ‘yung ganu’ng messages sa IG niya, so I have to say something.
 
“Even though I didn’t agree in everything he (Gab) said, it’s my family, eh.  So kailangan kong i-defend ang pamilya ko, whether he’s right or wrong, kung sobra naman ‘yung response, bastos talaga ‘yung mga tao, kailangan ko talagang ipagtanggol.”
 
Sabi ni Paolo ay gusto talaga niya si Duterte. 

“To be honest, sinabi ko na gusto ko talaga si Duterte, sabi ko nga, kahit hindi ako sang-ayon sa lahat ng sinabi ni Gab, hindi puwedeng tatahimik ako at binabastos na ang pamilya ko,” aniya.
 
Hindi rin nagustuhan ni Paolo ang pinagsasabi tungkol sa magulang niya.
 
“Parang sinasabi pa ng ibang supporters itong nangyari between my tita (Felichi), my dad (Gary) and my mom (Angeli) na ‘yung affair ng dad and mom ko na parang na-discover bigla ‘yung information na ‘yun, eh, they’ve been open ever since, so parang ano ‘yung sinasabi (supporters) na because of this, itinatago raw namin ‘yun, eh.
 
“Mali pa ‘yung info nila, sinasabi si Gab daw ‘yung fruit ng sins ng parents ko, eh, ako ‘yun, eh (sabay tawa ni Paolo). Akala nila siguro nila mas matanda si Gab sa akin.”
 
Apektado ba ang pamilya Valenciano sa pangyayaring ito?
 
“We don’t talk really about it so much, but I know that they were affected only because maraming bastos na response, even like sina Carlos Celdran, Ramon Baustista 'pag nakita mo ‘yung mga comments about them, parang sobra naman, it’s too much and you know, I don’t wanna generalize na lahat taga-Davao kasi nga ang dami rin namang supporters na hindi taga-Davao and true enough alam mo, pinagmumura kami tapos 'pag tinignan mo naman ‘yung account nila, from Manila from Bicol, so we can’t generalize na lahat taga-Davao.
 
“And I think, that’s one of my mistakes na online sinabi ko na some Davaoenos nagalit sila sa akin at pinagmumura rin ako, sabi nila, nag-generalize daw agad ako na because supporters ni Duterte automatically from Davao.
 
“So right now, I’m very careful with what I’m saying, I’m not generalizing, pero like to the people online, it doesn’t matter who you’re supporting, whether for Mar, Duterte, Binay, kung mali ka, mali ka, kung bastos ka, bastos ka and they should not be defensive na ganu’n.
 
“Kasi mayroon din namang supporters si Mar na bastos din, mayroon din si Binay na bastos din, so ‘yung sinasabi na pinagi-initan daw namin si Duterte which [is not true]. Like I said, I really like him. And I said it before pa.
 
“One thing din na sobrang na-frustrate ako is Davao is one of my favorite provinces in the Philippines tapos ganu’n ‘yung naging response sa amin so, medyo nakaka-frustrate,” mahabang kuwento ng panganay nina Gary at Angeli.
 
Naikuwento rin ni Paolo bilang rakista na madalas silang magkaroon ng gig sa Davao.
 
“Ako, marami akong gig sa Davao, siguro mga four or five times na akong nag-perform sa Davao and always a good response, always a good crowd, so medyo nakaka-hurt din, pero I feel na this time, next year hopefully, okay na kami,” natawang sabi ni Paolo.
 
Inamin din niyang apektado ang pamilya nila sa death threat sa kanila.
 
“A lot of people were saying na baka empty threaths lang siya, mga trolls lang ‘yung nangga-ganu’n, honestly, nu’ng nag backlash sa akin ‘yung Davao at supporters ni Duterte kasi maraming taga Davao talagang nagalit sa akin.

“Talagang nakakatakot siya to walk around in public, kasi hindi mo alam kung sino ‘yung nagtwi-tweet ng ganu’n kahit sabihin mong empty threats siya, hindi mo alam baka bigla akong sampalin, suntukin o basagin ‘yung window ng kotse ko or something, ‘yun ‘yung nakakatakot.
 
“And because he (Duterte) has many supporters, it’s scary. So when I saw the response, those threats to him (Gab), I’m afraid for that,” pagtatapat ni Paolo.
 
At dahil nasa Los Angeles, California si Gab kaya wala siyang security.
 
“He doesn’t need that, but I texted his wife na and I said na baka for our safety, puwede muna siyang mag-cool down first. This is not the very safe time, we're not immune to everything that’s going on right now,” pag-amin ulit ni Paolo.
 
Nabanggit din na wala raw kasing kinatatakutan si Gab maski na noong bata pa siya.
 
“Si Gab kasi hindi natatakot sa kahit na ano, that’s why he posts so many things, even when he was here.
 
“In his personality kasi, hindi siya natatakot, not like me, ako kasi laging natatakot. I don’t think because he’s in LA, so hindi niya na-expect na how big or how serious the situation ang [ginawa] niya.
 
“His heart is in a good place, so even though marami siyang sinasabi, he’s heart is in a good place and I think people should respect that he has his own opinion.
Kasi ‘yung response naman ni Gab is based on what Duterte has been saying,” paliwanag nang mabuti ni Paolo.
 
Boboto ba si Paolo sa 2016?
 
“Honestly po, hindi ko po alam, I like Duterte, pero the recent interviews at lumabas sa news... Let’s put it this way na I’m confused right now.  I’m doing some research to all the candidates, mahirap mukhang challenging itong election (2016) na ito.”

***

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.
 

 

The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
Periscope: StarCinema

For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: GabValenciano 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER