• Home
  • News
  • Reggee's Digest: Sam Milby brings house down at 10th anniversary concert

Reggee's Digest: Sam Milby brings house down at 10th anniversary concert

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

12/1/2015 in News
Reggee's Digest: Sam Milby brings house down at 10th anniversary concert

Reggee's Digest by Reggee Bonoan

Lahat ng supporters ni Sam Milby sa loob ng sampung taon ay present sa nakaraang "The Milby Way: 10th Year Anniversary Concert" noong Sabado na ginanap sa KIA Theater, Araneta Center, Cubao.
 
‘Yung iba ay lumipad pa pabalik ng Pilipinas para ipakita ang pagmamahal nila Samuel Lloyd Lacia Milby.
 
Ang gandang tingnan ng KIA Theater na New Frontier Theater noon dahil ngayon lang ulit namin nakitang maraming tao na pinagdarausan ng premiere night ng mga pelikula ng mga sikat na artista noong 80s at 90s, bigla raw kaming nag-reminisce.
 
Anyway, nagulat kami pagpasok namin sa loob ng KIA Theater dahil ang ganda ng disenyo ng stage na pawang scaffoldings na elevated kung saan nakapuwesto ang banda, sa unang palapag ang musical director, sa ikalawang palapag, ang gitarista/bahista na katapat naman sa kanang bahagi ang keyboardist, at sa ikatlong palapag nakapuwesto ang back-up singers sa kaliwa at kanan naman ang drummer.
 
Panalo ang effects ng mga ilaw sa audience dahil hindi nakakasilaw. Akala mo nga foreign artist ang magko-concert kaya nang lumabas si Sam ay hiyawan ang audience na katipo ni Adam Levine ng Maroon 5 na walang tattoo.
 
Siyempre, pakitang-gilas kaagad si Sam sa opening song niyang "Sexy and I Know It/Sing/Problem" kasama ang G-Force dancers. 
           
Nagkatawanan ang mga nanood sa pambubuking ni Bea Alonzo kay Sam na sa tagal nilang nagkakasama sa shows sa ibang bansa ay may na-diskubre siyang kakaibang ugali ng binata.
 
Kuwento ni Bea, “si Sam Milby, napakabait na taong nakilala ko sa showbiz at maski na siya ang lalaki sa grupo namin kapag may show kami sa ibang bansa at pinakamatanda, it turned out na siya ang baby boy sa grupo lalo na kapag naglalambing, nakakaloka. At heto pa, hindi mo iisipin na ang guwapu-guwapo, pero 'pag umutot, ang baho grabe.” Sabay tawa ng mga tao.
 
Maging si Sam ay natatawa rin habang pinapanood ang VTR interview ni Bea at okay lang sa kanya na ibinuking siya dahil katwiran naman ng binata ay ginagawa lang daw niya iyon sa mga taong kumportable na siya, oo naman, hindi naman isyu iyon ngayon.
 
Kinanta rin ng aktor ang original songs niyang "Mahal Pa Rin" at "Di Kita Iiwan" at cover song na "Baby One More Time" ni Britney Spears (habang nagi-gitara).
 
Napa-wow din ang mga nanood sa sexy dance ni Samuel kasama G-Force Femmes sa tugtuging "Bad Romance" na talagang pinalakpakan siya nang todo dahil unang beses niya itong ginawa na halatang naasiwa dahil nadidikit ang katawan ng dancer sa kanya.
 
Sa pagpasok ni Yeng Constantino bilang unang ka-guet ni Sam at nag-duet sila sa awiting "Thinking Out Loud/I’m Not The Only One" ay talagang todo palakpakan at take note, hindi rin naman nagpatalo ang unang talent ng Cornerstone sa taas ng boses ni Pop Rock Princess.
 
Naiwan naman si Yeng at talagang napailing kami nang kantahin nito ang "Crying" na kasing taas ng takong niya ang tono ng awitin ni Aerosmith kaya walang humpay na palakpakan ang ibinigay sa kanya.
 
As expected bagama’t surprise guest ni Sam sa concert si Anne Curtis ay talagang hiyawan to the max ang lahat at marami talagang kinilig sa paglabas ng dalaga.
 
Sabi nga ni Sam, “my 10 years wouldn’t be complete without her!” na sinagot naman ni Anne, “I’m so proud! Happy 10th anniversary! I’m happy that somehow I was part of those 10 years.”
 
Sabi ni Sam ay si Anne raw ang pumili ng kakantahin nila na kakantahin na "Hello" ni Adele at "Hello" naman ni Lionel Ritchie na pinagsama.
 
Maghigpit namang nagyakap ang dalawa at kaagad nag-explain si Sam paglabas ni Anne kung bakit mahigpit ang yakapan nila.
 
Nagkatawanan nga ang lahat dahil bakit daw nagpapaliwanag si Samuel dahil daw nasa audience ang kanyang girl of his life?
 
Kumanta rin si Sam ng OPM songs pero nabitin kami dahil dalawang kanta lang ang kinanta niya, ang "Huling El Bimbo" at "Sabihin Mo Na."
 
Nagustuhan din namin ang rock song na kinanta ni Sam, ang "You Oughta Know" ni Alanis Morissette.
 
Ang ganda ng production number ni Sam kasama si KZ Tandingan na talagang palakpakan din ang tao sa bulilit singer na ito dahil sa galing nitong mag-rap sa awiting "Come Together" ng The Beatles at "Lose Yourself" ni Eminem.
 
Unang nakilala si KZ na pawang jazz/reggae ang kinakanta niya nu’ng sumali siya sa "X Factor Philippines" pero biglang nabago na ngayon dahil naging rakista at rapper na. 
 
Medyo nahihilo lang kaming panoorin sa stage si KZ dahil ang likot-likot niya sa stage, bigla tuloy naming naalala ang namayapang Elizabeth Ramsay na pareho sila ng istilo sa pagkanta.
 
Statement song daw ni Samuel ang kinanta niyang "Here Without You" ng 3 Doors Down kaya binasa namin ang lyrics ng kanta, hmm parang alay naman ito ng Rockoustic Heartthrob sa sinasabi niyang great love niya, eh.
 
Anyway, ang isa sa gusto naming parte ng show ay ang production number ni Sam kasama ang guests niyang sina Kyla at Angeline Quinto na bongga ang gown na balitang ginantsilyo pa ng mama Bob niya, maganda naman akala namin ay show niya nu’ng gabi.
 
Kinanta ng tatlo ang soundtrack ng mga serye at pelikulang kasama siya tulad ng "And I Love You So" (movie with Bea Alonzo), "Only You" (Koreanovela with Angel Locsin), "My Girl" (Koreanovela nina Gerald Anderson, Kim Chiu at Enchong Dee), "Maging Sino Ka Man" (unang serye ni Sam), "All My Life (movie with KC Concepcion, "Forever and a Day"), "You Are The One" (movie with Toni Gonzaga), "Close To You" (movie with Bea and John Lloyd Cruz) at "Crazy Little Thing Called Love" (with Toni).
 
At dahil kailangang magbihis ni Sam ay naiwan naman sina Kyla at Angeline sa entablado para sa awitin ang "Love Takes Time," "Where Do Broken Hearts Go," at "My Heart Will Go On" na talagang basagan ng eardrum ito. 
 
Napahanga nang husto ni Sam ang audience habang nagpakitang-gilas siya sa pag-sirko, umikot-ikot na nakahubad at kita ang mga pandesal niya sa scaffolding na akala mo nagdi-gym habang sinasayawan siya ng G-Force.
 
Pigil-hininga ang lahat nang nakabaligtad siya at paa lang niya ang nakakapit sa tubo.
 
Gustong ipakita ng Rockoustic Heartthrob na hindi lang siya singer, actor, motocross racer, DJ, guitarist, pianist, drummer kundi marunong din siyang mag-acrobat. Hmm, daming talent.
 
Tulad nga ng sinabi namin na magaling na DJ si Sam ay ginawa niya ito habang sumasayaw ang ang mga kaibigang sina Rayver Cruz, Enchong Dee, Gerald Anderson, at John Prats kasama ulit ang G-Force na sumali rin ang aktor ng naka-topless.
 
Hindi man dancer si Sam kung ikukumpara mo sa mga nabanggit, pero nakakasabay naman siya, lalo na’t topless siya kaya hiyawan ang lahat dahil talagang bumubukol ang abs niya.
 
Samantala, bukod kay Bea ay ibinuking din si Sam ng mga kaibigan niya. Kuwento ni John ay lukang-luka siya nu’ng minsang mag-imbita ang asawang si Isabel Oli na hindi pa niya girlfriend noon sa isang party na pawang hindi nila kilala ang mga bisita.
 
“May banda kasi sa party, nakaka-dalawang kanta palang ‘yung banda tapos ni-request si Sam na kumanta, jamming at pinagbigyan naman niya, nag-start siyang (Sam) kumanta ng 12 midnight, imagine, 4 a.m. na kumakanta pa rin?  Nag-free concert talaga siya sa mga taong hindi namin kilala sa party.”

Tags: SamMilby 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER