• Home
  • News
  • Julia Barretto, Janella Salvador play fraternal twins on ‘MMK’

Julia Barretto, Janella Salvador play fraternal twins on ‘MMK’

Will jealousy and rivalry destroy the bond of twin sisters Abigail (Julia) and Amabelle (Janella)? Find out this Saturday on “MMK.”

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/12/2015 in News
Julia Barretto, Janella Salvador play fraternal twins on ‘MMK’

Magsasama sina Julia Barretto at Janella Salvador para bigyang buhay ang nakakaantig na kwento ng magkapatid na susubukin ng pagkakaiba ngayong Sabado (Nov 14) sa “MMK.”

Fraternal twins sina Abigail (Julia) at Amabelle (Janella). Lumaki silang malapit sa isa’t isa hanggang sa pagpasok ng high school ay unti-unti nang lumabas ang pagkakaiba nila.

Mapabahay man o paaralan, ikinukumpara ang dalawa sa isa’t isa na siyang naging ugat ng selos sa pagitan ng magkapatid, lalo na kay Amabelle.

Sa pagkakalayo ng kanilang loob, manumbalik pa kaya ang dating malapit na samahan? Paano pa susubukin ang kanilang pagiging magkapatid?

Kasama rin sa upcoming episode Jake Roxas, Aleck Bovic, Jillian Aguila, Allyson Mcbride, Mccoy De Leon, at Karen Reyes. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Frasco Mortiz at panulat ni Benson Logronio. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na ‪#‎MMKBFFTwins.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
Periscope: StarCinema

For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER