• Home
  • News
  • Lito Pimentel, Meryll Soriano topbill ‘MMK’ this Saturday

Lito Pimentel, Meryll Soriano topbill ‘MMK’ this Saturday

The upcoming “MMK” is set to show that family is not only measured by blood.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

10/7/2015 in News
Lito Pimentel, Meryll Soriano topbill ‘MMK’ this Saturday

Tunghayan ang kwento ng lolong si Noel (Lito Pimentel) na nagturo sa isang pamilya ng kahulugan ng pagmamahal ngayong Sabado (Oct 10) sa “MMK.”

Dahil sa hindi tanggap ng kanyang tunay na pamilya ang pagiging bakla kung kaya’t nagpalaboy laboy na lang si Noel. Edad 66 nang makilala niya ang pamilya ni Yolly (Meryll Soriano) at tuluyan ng nanirahan dito.

Naging malapit si Noel kay Yolly at sa mga anak nito. Nagsilbi siyang takbuhan ni Yolly lalo pa kapag nagkakaproblema ito sa lasenggo nitong asawa na si Joseph (Alex Medina).

Lingid sa kanilang kaalaman na unti-unti namang nababahiran ng selos ang puso ni Joseph. Naging mainitin ang ulo nito at aakusahan ng kung ano ano ang matanda na siyang mag-uudyok sa huli para maglayas.

Bumalik pa kaya si Noel? Tuluyan na bang mawawasak ang kanyang pangalawang pamilya? Ano gagawin ni Noel na nagpalambot sa puso ni Joseph?

Kasama rin sa upcoming episode sina Johan Santos, Inah Estrada, Roden Araneta, Miguel Vergara, at Ruby Ruiz. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Don Cuaresma at panulat ni Jaymar Santos Castro. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on saMMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na ‪#‎MMKAngLoloKongLola. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng“MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.
 


The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: ABSCBN 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER