• Home
  • News
  • Daniel Padilla on sweetness with Kathryn: 'Ganun talaga ang tamang pag-handle ng babae'

Daniel Padilla on sweetness with Kathryn: 'Ganun talaga ang tamang pag-handle ng babae'

Reggee Bonoan asks Daniel on perceived competition with JaDine, LizQuen.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

10/7/2015 in News
0
Daniel Padilla on sweetness with Kathryn: 'Ganun talaga ang tamang pag-handle ng babae'

Reggee’s Digest
By Reggee Bonoan

Maski walang inaamin si Daniel Padilla na ‘sila’ na ni Kathryn Bernardo ay hindi na kailangan dahil halata naman sa kilos.
 
Binanggit namin ito sa batang aktor na halatang-halata ang kilos nila ni Kath sa Animbersaryo ng It’s Showtime na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Setyembre 26 dahil sa tatlong magka-loveteam na KathNiel, LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) at JaDine (James Reid at Nadine Lustre) ay sila ni Kath ang sobrang sweet sa isa’t-isa na nilalanggam.
 
Samantalang ang LizQuen at JaDine ay may hindi naman ganu’n ang mga kilos at ang laki ng puwang sa pagitan ng bawa’t isa.
 
Tawa ng tawa ang batang aktor at sabay sabing, “ganu’n po talaga boss Reggee ang tamang pag-handle ng babae.”
 
Samantala, nasa tamang edad na si Daniel para bumoto kaya naman hinihikayat niya ang lahat ng first-time voter na magpa-rehistro na bago matapos ang deadline sa Oktubre 31.
 
Kamakailan ay nag-shoot ng online viral video ang batang aktor para sa hindi pa nagpapa-rehistro.
 
Sa tanong kung anong pakiramdam ni DJ na makaboboto na siya, “Siyempre excited kasi mae-exercise na natin ‘yung karapatan nating bumoto.  Bawat tao ay may karapatang bumoto, siyempre sino ba ang dapat mamili ng mamahala sa ating bayan kundi tayo rin naman.
 
“So very excited ako kasi isa siyang privilege gawin. Ini-exercise dapat ang right ng bawat tao na bumoto, kaya lahat ng mga kaibigan ko, isasama ko sila (magpa-rehistro), e, sandamakmak mga kaibigan ko, kaya kung sino ang iboboto ko, tiyak panalo na,” nakangiting sabi ng batang aktor nang maka-tsikahan namin sa photo shoot for National Movement of Young Legislators Alumni.
 
Sa tanong namin kung may napili ng iboboto si Daniel bilang Presidente at diretso naman niyang inamin.

“Yeah, ako, may mga sarili rin akong choices pero nagtatanong din ako kay tito Mike (Planas) ng lahat, like kung ano ang ginawa ng mga politikong ito.
 
“May mga pinag-uusapan kaming ganyan ni tito Mike parati. Para alam mo ‘yun, alam din natin, hindi tayo basta boto lang nang boto,” kuwento ng batang aktor.
 
Muling diin ni Daniel, “we should exercise our right to vote bilang mamamayan.Kasi para sa akin, kung nagrereklamo ka sa bansa, huwag kang magreklamo kung di ka naman bumoto. Wala ka namang binoto, eh.”

Kaya tinatawagan ni Daniel na magparehistro ang lahat ng mamayang Pilipino na hindi pa nakapagpa-rehistro lalo na ang mga ngayon palang bobotng tulad niya.

Nabanggit din ng batang aktor na pati ang ka-loveteam niyang si Kathryn Bernardo ay looking forward sa iboboto nilang kandidato.

“Excited na nga rin siya (Kathryn),” saad ng binatilyo.

Sa tanong namin kung magkasama silang magpapa-rehistro ng ka-lvoeteam, “ay hindi ko alam, kasi magkaiba kami, hindi yata,” mabilis na sagot ni Daniel.

At dahil bihira naming maka-tsikahan ang batang aktor ay nahingan siya ng reaksyon tungkol sa kumpetisyong ng KathNiel, JaDine, at LizQuen sa Kapamilya network.
 
“Eversince naman na nagsisimula ako, ayoko ng (kumpetisyon) hindi ako sa nag-aano sa kumptensiya, kasi nga, tagal ko na ‘tong sinasabi sa mga fans ko, lalo na sa fans namin ni Kathryn, huwag nating inaaway ang sariling atin.
 
“Sa atin ‘yan, eh, di ba?  Kesa naghihiwa-hiwalay tayo, mas masarap kung nagsasama-sama tayo, nasa isang network tayo, bakit tayo magaaway-away?

“Saka sa personal naman, hindi naman kami magkakaaway. Eh kaibigan ko rin ‘yang mga ‘ yan, eh. Kaya ang awkward din na naglalaban tapos kami-kami rin nag-uusap, ‘nag-aaway daw tayo,’ ‘oo nga eh ok naman tayo.’ Hindi ba mas maganda na united tayo,” pangangatwiran ni Daniel.
 
Ano naman ang komento niya sa mga supporter na bina-bash ang kapwa nila love teams?

“Alam mo ‘yang bashing eh, hindi ko maintindihan kung bakit may gumagawa pa niyan.
 
“Bad vibes ‘yun, eh. Huwag ka nang mang bad-vibes ng tao. Pangit ng trip na ganun. May nage-gain ka ba or may happiness ka bang nararamdaman ‘pag sinisiraan mo ‘tong taong to? Wala kang happiness do’n, nagkakaro’n ka lang ng points papuntang impiyerno,” natawang sabi ng batang aktor.

At sa tanong namin kung bakit wala silang entry ngayong 2015 sa Metro Manila Film Festival ay dahil sobrang busy daw sila ni Kathryn sa tapings ng “Pangako Sa’ Yo” na hand-to-mouth bukod pa sa may out of the country show sila sa Oktubre 23 Amerika para sa mag-show for TFC subscribers.

“Babawi ako (kami) next year,” sabi ni DJ.
 
The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER