• Home
  • News
  • Sarah Lahbati plays ‘Bituing Walang Ningning’ star Monica Sacay on ‘MMK’ this Saturday

Sarah Lahbati plays ‘Bituing Walang Ningning’ star Monica Sacay on ‘MMK’ this Saturday

Sarah Lahbati marks her first acting stint on ABS-CBN by playing “Bituing Walang Ningning” lead star Monica Sacay on “MMK.”

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

10/14/2015 in News
Sarah Lahbati plays ‘Bituing Walang Ningning’ star Monica Sacay on ‘MMK’ this Saturday

Mapapanood sa unang pagkakataon ang aktres na si Sarah Lahbati sa programang “MMK” ngayong Sabado (Oct 17) sa kanyang natatanging pagganap sa buhay ng “Bituing Walang Ningning: The Musical” star na si Monica Sacay.

Unang nakilala bilang “Star Power” grand finalist, ganap ng bituin noon si Monica nang biglang nawala ang kislap niya sa mundo ng showbiz.

Bata pa lang ay mahilig ng kumanta si Monica. Kasama ang kanyang inang si Myrna (Aiko Melendez), sabay silang kumakanta sa mga burol, birthday parties at iba pa.

Walong taong gulang lamang siya noon nang pumanaw ang kanyang ina dahil sa cervical cancer kaya naman napunta siya sa pangangalaga ng kanyang tita Ethel (Francine Prieto). Habang nagdadalaga ay tumulong siya na tustusan ang kanyang pag-aaral sa pamamagitan ng paglalako ng puto at ice candy. Kinakantahan niya pa noon ang mga customer para lang makabenta.

Taong 2010 nang makumbinse siya ng kanyang tita na sumali sa talent search ng ABS-CBN na “Star Power” kung saan tinanghal siyang 2nd runner up. Ngunit hindi naging madali sa kanya ang showbiz at agad ding lumamlam ang career nito. Magdedesisyon siyang bumalik sa dating buhay hanggang isang araw, muling kakatok darating ang oportunidad na magpapabalik ng ningning sa kanyang pagiging bituin.

Tampok rin sa episode sina Yesha Camille, Simon Ibarra, Mara Lopez, Jacob Dionisio, Kyle Secades, Katya Santos, Kyline Alcantara, Margo Midwinter, Mikee Agustin, Chienna Filomeno, at Jong Cuenco. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Raz Dela Torre, at panulat ni Ruel Montanez. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na‪#‎MMKKontesera.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.




The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: SarahLahbati 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER