• Home
  • News
  • Edgar Allan Guzman plays gay caregiver in touching 'MMK' episode

Edgar Allan Guzman plays gay caregiver in touching 'MMK' episode

Edgar Allan will play a gay son who longs for his family's acceptance.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

1/22/2015 in News
Edgar Allan Guzman plays gay caregiver in touching 'MMK' episode

Nakaaantig ng kwento ng matibay na relasyon ng isang ama at ng kanyang anak na binabae ang ibabahagi ng "Maalaala Mo Kaya" ng ABS-CBN ngayong Sabado, Enero 24.


Bibida sa upcoming family drama episode ang award-winning actors na sina Edgar Allan Guzman at Nonie Buencamino. Gaganap si Edgar bilang ang bading na caregiver na si Jing. Samantalang gagampanan ni Nonie ang role ni Adoy, na bagaman noong una ay kontra sa pagiging bading ni Jing ay nanatiling lakas ng kanyang anak sa gitna ng mga pagsubok na pinagdaraanan nito.

Bahagi rin ng upcoming "MMK" family drama episode sina Shamaine Centenera, John Spainhour, Mikylla Ramirez, Casey da Silva, Neil Coleta, Kokoy de Santos at "Pinoy Big Brother" alumni nasina Vicky Rushton at Rica Paras. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Elfren Vibar at panulat ni Ruel Montañez.

Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang “Maalaala Mo Kaya” na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” tuwing Sabado, 7:15PM, pagkatapos ng “Home Sweetie Home” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKSameLove.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sawww.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:

Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER