• Home
  • News
  • Piolo Pascual, aminadong hindi na kaya ang ginagawa ni Coco Martin

Piolo Pascual, aminadong hindi na kaya ang ginagawa ni Coco Martin

Ano ang kayang gawin ni Coco na hindi na kayang gawin ni Piolo?

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

1/20/2015 in News
Piolo Pascual, aminadong hindi na kaya ang ginagawa ni Coco Martin

Inamin ni ultimate heartthrob Piolo Pascual na hindi na niya kayang gumawa ng magkasunod na soap opera tulad ng ginagawa ni Coco Martin.

Sa isang panayam kay Piolo sa press launch ng kanyang bagong endorsement noong January 13, inamin  niya na nahirapan siya sa paggawa ng huli niyang teleserye na “Hawak Kamay.” Ikinumpara ng aktor ang kanyang sarili kay Coco Martin pagdating sa pagtanggap ng magkasunod na proyeto sa telebisyon.

Hindi ako si Coco [Martin], hindi ko na kaya na soap-soap. Saka iyong last na soap ko, feeling ko binigay ko na iyong kaluluwa ko doon sa soap eh. Hindi lang ako na-drain, ilang beses na ako ni-refill doon,” pahayag ni Piolo.

Samantala, hindi naman sigurado ang aktor kung matutuloy pa ang pelikulang pagtatambalan nila ni Sarah Geronimo ngayong taon. Aniya, hindi pa siya makapagsasalita kung tuloy na tuloy na ba ang kanilang pelikula dahil pag-uusapan pa ito ng Star Cinema.

I can not speak for Star Cinema. I will only find out once I meet them next week kung ano ang matutuloy," pahayag ni Piolo. Dagdag pa ng Kapamilya actor, walang duda raw na gusto niyang makasama ang Popstar Princess sa isang pelikula.
The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:

Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: PioloPascual 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER