• Home
  • News
  • Marvin Agustin and Jolina Magdangal are happy with their partnership onscreen and off screen

Marvin Agustin and Jolina Magdangal are happy with their partnership onscreen and off screen

Nag-level up na ang tambalang “Mar-Jo”!

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

1/13/2015 in News
Marvin Agustin and Jolina Magdangal are happy with their partnership onscreen and off screen

Sa Aquino and Abunda Tonight,excited si Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa nalalapit na airing ng Flordeliza sa Kapamilya network. Aminado sila na na-delay ang airing ng Flordeliza dahil may pagkakareho ang tracking ng istorya sa Two Wives, pero malaking pagkakaiba naman diumano ang atake sa kwento.

Ayon kay Marvin, lighter ang treatment ng Flordeliza dahil bukod sa maiiyak at mai-in loveang mga manonood, ay matatawa rin sila. Sa Flordeliza gaganap na “other woman” si Jolina. Wala namang problema kay Jolina ang role niya dahil gusto niya ang kwento at bago ang ibibigay nila sa manonood. Dagdag pa ni Jolina, “Mamahalin nila ang dalawang pamilya [sa kwento].” Ipapalabas na angFlordeliza sa January 19.

Nag-level up na rin ang tambalang “Mar-Jo” dahil hindi lang sila bibida sa Flordeliza ngayon, kundi pati na rin sa bago nilang restaurant na Bida. Kuwento ni Jolina, mabilis ang pangyayari. Pinuntahan diumano siya ni Marvin para kausapin tungkol sa restaurant at after three days ay partners na sila. Nasa ground floor ng Fairview Terraces mall ang “Bida” at ayon kay Jolina, mayroong kantahan sa restaurant kapag weekend.

Nag-cover rin kamakailan si Jolina para sa The Philippine Star magazine kung saan sexy na pinakita ang kanyang likod. Natuwa naman diumano ang kanyang asawa na si Mark Escueta nang makita ito. Ayon kay Jolina, tasteful ang pagkakagawa ng cover.

SOURCE: https://push.abs-cbn.com/features/23581/marvin-agustin-and-jolina-magdangal-are-happy-with-their-partnership-onscreen-and-off-screen/

The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:

Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER