• Home
  • News
  • ‘The Voice Kids’ finalist Juan Karlos Labajo shares life story on ‘MMK’

‘The Voice Kids’ finalist Juan Karlos Labajo shares life story on ‘MMK’

Juan Karlos “JK” Labajo will share his hardships, sacrifices, and successes on “MMK” this Saturday, September 27.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

9/23/2014 in News
‘The Voice Kids’ finalist Juan Karlos Labajo shares life story on ‘MMK’

Itatampok sa “Maalaala Mo Kaya” ng ABS-CBN ngayong Sabado (Setyembre 27) ang kahanga-hangang kwentong buhay ng “The Voice Kids Philippines” second runner-up na si Juan Karlos “JK” Labajo. Gagampanan ng 13 na taong gulang na “The Voice Kids” heartthrob ang kanyang sarili.

Lingid sa kaalaman ng publiko, lumaki sa hirap ang half-German at half-Filipino na si JK. Sa piling ng kanyang lola at tiyo na nagpalaki sa kanya, namulat si JK na pinagsusumikapan ang bawat bagay na mayroon silang pamilya.

Akala po ng iba, mayaman ako dahil po sa itsura ko. Pero ang totoo po, sa Cebu ang dami po naming utang, nangungupahan lang kami at palipat-lipat ng bahay,” pahayag ni JK na mula nang ipinanganak ay hindi nakikilala ang kanyang Aleman na ama at nakapiling ang ina na mayroon nang sariling pamilya.

Kailan nabuo sa puso at isip ni JK ang pangarap na maging isang mang-aawit? Sa gitna ng malungkot na balita ng pagpanaw ng kanyang ina limang araw bago ang audition, paano niya nagawang pabilibin ang lahat ng “The Voice Kids” coaches?

Bahagi rin ng episode na ito sina Phoemela Baranda, Janus Del Prado, Miguel Vergara, Jeric Raval at Ces Quesada. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando at panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang “Maalaala Mo Kaya” na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na‪#‎MMKJuanKarlos.

For more updates:

Follow Star Cinema on:

Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: CharoSantos 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER