• Home
  • News
  • Ex-‘PBB’ housemate Manolo Pedrosa, Janella Salvador play young lovers on ‘MMK’

Ex-‘PBB’ housemate Manolo Pedrosa, Janella Salvador play young lovers on ‘MMK’

Manolo Pedrosa and Janella Salvador will give life to the love story of Hiro Mallari and Mitch Bonzo, one of the victims who died in BSU field trip.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

9/12/2014 in News
Ex-‘PBB’ housemate Manolo Pedrosa, Janella Salvador play young lovers on ‘MMK’

Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ngayon ng former “Pinoy Big Brother All In” housemate na si Manolo Pedrosa sa nalalapit nang pagpapalabas ng kanyang unang sabak sa “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Setyembre 13).

Bibigyang-buhay niya ang karakter ni Hiro Mallari, isang binatang mistulang nawalan ng dahilang mabuhay sa pagkawala ng kanyang "one great love" na si Michelle Ann “Mitch” Bonzo, na gagampanan ni Janella Salvador, dahil sa isang aksidente.

Kasama si Mitch sa pitong estudyante ng Bulacan State University na nasawi nang sila ay matangay ng rumaragasang tubig sa Madlum River sa gitna ng kanilang field trip sa Bulacan.

“Napakalaking blessing para sa tulad kong baguhan na maging bida sa isang episode ng ‘MMK.’ Siyempre, marami pa akong kailangang matutunan sa pag-arte pero gagawin ko po ang lahat para magampanan ko nang maayos ang role ni Hiro, lalo na’t ‘yung pinagdaanan niya ay makaka-inspire rin ng iba na katulad niyang nawalan ng isang mahal sa buhay,” pahayag ni Manolo matapos ang kanyang acting workshop para sa “MMK” noong Martes (Setyembre 9).

Bahagi rin ng episode na ito sina Lollie Mara, Pinky Amador, Paul Salas, CJ Navato, Raquel Montessa, Yves Flores, at Trina Legaspi. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval at panulat ni Arah Jell Badayos. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang “Maalaala Mo Kaya” na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #HiroMitchLoveStoryOnMMK.

For more updates:

Follow Star Cinema
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: JanellaSalvador 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER