• Home
  • News
  • Miles Ocampo, Khalil Ramos team up for the first time on ‘MMK’

Miles Ocampo, Khalil Ramos team up for the first time on ‘MMK’

What will you do if your special someone leaves you for someone else?

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

8/1/2014 in News
Miles Ocampo, Khalil Ramos team up for the first time on ‘MMK’

First time na magtatambal ang Kapamilya teen stars na sina Miles Ocampo at Khalil Ramos sa “Maalaala Mo Kaya” ng ABS-CBN. Bibida sila sa episode ngayong Sabado (Agosto 2) bilang sina Che at Mark, mga teenager na mag-M.U. (mutual understanding) ang estado ng relasyon.
 
Bagama’t hindi opisyal na magkarelasyon, puno ng pag-ibig at saya ang buhay nina Che at Mark. Mistulang perpekto na ang lahat para sa kanila hanggang aminin ni Mark kay Che na nahulog na ang kanyang loob sa ibang babae na ipinagbubuntis na ang kanyang anak. At dahil dito, nawasak ang puso ni Che.
 
Posible bang umusad ang buhay ni Che kung ang lahat ng nasa paligid niya ay nagsisilbing paalala ng lahat ng masasayang pinagsaluhan nila ni Mark? Mapapatawad niya ba ang taong kapwa nagparamdam sa kanya ng labis na pagmamahal at nagparamdam sa puso niya ng matinding sakit?
 
Tampok rin sa upcoming episode sina Ana Capri, Sofia Andres, Francis Magundayao, Mikylla Ramirez, at Claire Ruiz. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Raz de la Torre at panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.
 
Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang “Maalaala Mo Kaya” na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “The Voice Kids” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode gamit ang hashtag na #MMKMovingOn.


For more updates:

Follow Star Cinema
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER