• Home
  • News
  • Jason Abalos plays street fighter on ‘MMK’

Jason Abalos plays street fighter on ‘MMK’

Jason Abalos takes on a dark role as he plays the role of an aspiring boxer-turned-street fighter on “MMK.”

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

7/4/2014 in News
Jason Abalos plays street fighter on ‘MMK’

Bibigyang-buhay ni Jason Abalos ang karakter ng isang street fighter sa “Maalaala Mo Kaya” ng ABS-CBN ngayong Sabado (Hulyo 5). Sa murang edad, pinangarap na ni Nikki (Jason) ang maging isang boksingero sa paniniwalang ito ang makapagbibigay sa kanyang pamilya ng mas maginhawang buhay.
 
Ngunit sa halip na boksing, dinala ng tadhana si Nikki sa delikadong mundo ng street fighting.
 
Paano nahumaling si Nikki sa larong mahigpit na ipinagbabawal ng batas? Hihinto ba siya sa pagsugal ng buhay niya sa sandaling hilingin ito ng kanyang pamilya?
 
Tampok rin sa upcoming episode sina Dimples Romana, Laiza Comia, Lito Pimentel, Miguelito de Guzman, Celine Lim, Kyline Alcantara, Archie Alemania, Josh Ivan Morales, Thou Reyes, Zeppi Borromeo, Manuel Chua, Marx Topacio, Ogie Escanilla at John Vincent Servilla.
 
Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando at panulat ni Benson Logronio. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-del Rosario.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya,“MMK,” tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “Home Sweetie Home” sa ABS-CBN.
 
Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.

For more updates:

Follow Star Cinema
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: JasonAbalos 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER