• Home
  • News
  • Julia on Mirabella: ‘Nakita ko yung sarili ko kay Mira’

Julia on Mirabella: ‘Nakita ko yung sarili ko kay Mira’

“Parehong-pareho pala kami ni Mira. Mas pareho pa kami ni Mira kesa kay Bella. Pero dahil sa sobrang pareho kami ni Mira ‘yung effect sa’kin parang nagiging Bella. So parang the whole show is my stor

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

7/3/2014 in News
Julia on Mirabella: ‘Nakita ko yung sarili ko kay Mira’

TRANSCRIPT: Julia on Mirabella

Parehong-pareho pala kami ni Mira. Mas pareho pa kami ni Mira kesa kay Bella. Pero dahil sa sobrang pareho kami ni Mira ‘yung effect sa’kin parang nagiging Bella. So parang the whole show is my story. The struggle of how am I gonna break down that wall? Para ang malabas ko sa acting ko totoo, ‘yung galing sa puso talaga.

Si Mira kawawa kasi minsan may times kasi na naaawa ako sa kanya. Si Mira may times na nagpapakamatapang, ako rin ganun din ako. I just try to be strong. Nahuhusgahan si Mira agad. Nakita ko ‘yung sarili ko kay Mira sabi ko ‘my gosh ganito rin pala ako’ which actually made the character easier for me to play kasi nararamdaman ko si Mira. With the family, pareho rin kami ni Mira na may hinahanap. Parang hindi pa siya buo pero tina-try niyang ipakikta sa tao na okay lang, okay lang siya, at buo siya para sa mga tao sa paligid niya.

Ako nae-excite ako ‘pag si Bella na ‘yung ginagampanan ko. Kasi mas madali palang magtaray, magsungit, at maging masama kaysa sa maging kawawa. Makikita mo kung saan siya nanggagaling, meron siyang motibo kung baki gusto niyang lumaban, which is makikita mo na parallel din pala sa akin kasi feeling minamaliit ako minsan, you wanna fight diba?”

Nakahanap siya ng tool kung paano siya makakaganti sa mga taong binalewala lang siya.

Julia on her inspiration

“Like always my mom. Growing up nakita ko talaga na my mom is strong, she maybe at her lowest point pero nakatayo pa rin siya, ‘paano mo nagagawa ‘yun?’ I wanna be like her. ‘Yung pakikisama, ‘yun talaga ‘yung being sensitive sa mga feelings ng iba.

Dahil sobrang may wall ako, my guards are up, I became more sensitive sa feelings ng iba. I have to say that everybody on the set have been very patient with me. From the directors, ate Marissa, Direk Ram, and the people that I’m really close with sa set. Like my leading men, Alora, ‘yan ‘yung mga tao na kilalang-kilala na talaga ako.

“I’m misjudged a lot pero itong mga taong ito, kilala ka kung sino ka, ibabalik ka lang nila sa right path. May mga times sa set na feeling mo give up na sila sa’yo, pagod na sa’yo pero  sila Direk Ram, Ate Marissa, they make you feel na ‘no, you can do it, kaya mo ‘yan. Huwag kang susuko because, naniniwala kami na meron kang maipapakita.’”

Julia on Enrique:

“Inaamin ko na sa point na ito na-conscious ako ng sobra-sobra na parang ‘o my gosh ang galing niyang umarte, ang ganda ganda niyang tao ano ba ‘yan!’” We become so close to the point that I’ve trusted him so much na nasasabi ko lahat, anything and everything under the sun.  Kasi hindi niya ipaparamdam sa’yo na huhusgahan ka niya. He won’t judge you, si Quen makikinig lang yan pero alam niya kung kalian siya magsasalita, mag-aadvice. ‘Pag curious magtatanong, pero you feel safe opening up to him because, hindi niya ipaparamdam na he’s gonna take that against you.”

Si Quen hindi ko lang siya naging loveteam sa show na ‘to e, he’s become a really, really good friend of mine na talagang iche-cherish ko for life dahil sobrang mabuti siyang tao, ganun siya kabuting kaibigan, ganoon siya kabuting tao.

“And as a loveteam and co-actor grabe he’s been so patient with me to the point na kahit hindi niya kailangang umiyak sa eksena, iiyak siya para lang maiyak ako. For him to do that, that’s really nice of him, very selfless of him because tinutulungan ka talaga niya. Hahawakan ka talaga niya and he’ll help the director to motivate ‘yung ganon simple gestures.”

“It’s actually such an honor to work with Quen because lahat gusto siyang maka-trabaho and for somebody na baguhan lang na maipareho kay Quen, it’s already such an honor. And it’s really such an honor to get to know the real Quen.”

Sa lahat ng sumuporta sa ‘Mirabella’ from the very start until the very end, maraming maraming salamat. At dahil hindi lang ang journey ni Mira at Bella ang sinundan niyo, kundi ang journey ko na rin as a person. Nakita niyo na ang lahat sa akin, sa pagsisimula ko, hanggang sa natutunan ko lahat ng dapat kong matutunan. Pero salamat, salamat at inintindi niyo ako at sinamahan niyo ako.

SOURCE: https://entertainment.abs-cbn.com/tv/shows/mirabella/videos/2014/07/02/julia-on-mirabella-nakita-ko-yung-sarili-ko-kay-mira

Tags: JuliaBarretto 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER