• Home
  • News
  • ‘MMK’ to feature story of a cancer patient in viral wedding video

‘MMK’ to feature story of a cancer patient in viral wedding video

Carlo Aquino plays the cancer patient who married his girlfriend, to be portrayed by Kaye Abad, hours before his death on “MMK” this Saturday, June 26.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

7/25/2014 in News
‘MMK’ to feature story of a cancer patient in viral wedding video

Ibabahagi ng "Maalaala Mo Kaya" ng ABS-CBN ngayong Sabado (Hulyo 26) ang walang kapantay na pagmamahalan nina Hazzy at Liezel Go na nasaksihan ng buong mundo sa pamamagitan ng video ng kanilang kakaibang kasalan noong Hunyo na halos naka-12 million views na sa YouTube sa loob lamang ng isang buwan.

Tuklasin sa "MMK" ang kwento sa likod ng tinaguriang "heartbreaking wedding" viral video nina Hazzy, isang pasyenteng may advanced stage 4 liver cancer at ng kanyang girlfriend sa loob ng apat na taon na si Liezel. Alamin ang tunay na dahilan kung bakit kinailangang maganap agad ang kanilang pag-iisang dibdib sa ospital.

Gaano kalalim ang pag-iibigang sinubok ng isang malalang karamdaman? Tunay pa ba ang "walang hanggan" kung ang iyong minamahal ay binigyan na ng taning ang buhay?

Gaganap bilang Hazzy at Liezel sa "MMK" sina Carlo Aquino at Kaye Abad.

Tampok rin sa upcoming episode sina Janice de Belen, Mico Aytona, Aldred Gatchalian, Shey Bustamante, DM Sevilla, at Erin Ocampo. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Crisostomo Naval at panulat nina Denise O’Hara at Arah Jell Badayos. Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.


Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang “Maalaala Mo Kaya” na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “The Voice Kids” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.

For more updates:

Follow Star Cinema
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: CarloAquino  KayeAbad 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER