• Home
  • News
  • Erich Gonzales plays visually-impaired beauty queen on ‘MMK’

Erich Gonzales plays visually-impaired beauty queen on ‘MMK’

This Saturday, on "Maalaala Mo Kaya," Erich Gonzales will play a challenging role as a visually impaired beauty queen.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

7/11/2014 in News
Erich Gonzales plays visually-impaired beauty queen on ‘MMK’

Inspirasyon upang patuloy na lumaban sa buhay sa kabila ng mga pagsubok ang ibabahagi ni Erich Gonzales sa mga manonood ng “Maalaala Mo Kaya” ng ABS-CBN ngayong Sabado (Hulyo 12) sa pamamagitan ng karakter niyang si Jessa, isang model at beauty queen na may kapansanan sa paningin.
 
Sa edad na 18, tuluyan nang nawala ang paningin ni Jessa na namana ang glaucoma mula sa kanyang ina. Tuklasin sa “MMK” kung paano tinahak ng isang batang lumaking inaapi sa eskwela ang daan tungo sa tagumpay lalo na nang maging guro siya ng mga estudyate na may kapansanan rin sa paningin at koronahan siya bilang Miss Philippines on wheels, signs and vision 2013.
 
Tampok rin sa “MMK” episode sina Irma Adlawan, William Lorenzo, Nikki Bagaporo, Abby Bautista, Bianca Bentulan, Ogie Escanilla, Louise Bernardo, Joe Gruta, Amy Robles, Dionne Monsanto, Nina Ricci Alagao, at Koreen Medina. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval at panulat ni Joan Habana.
 
Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang “Maalaala Mo Kaya” na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.
 
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “The Voice Kids” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.

For more updates:

Follow Star Cinema
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: ErichGonzales 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER