• Home
  • News
  • Shaina Magdayao teams up with Ejay Falcon on ‘MMK’ this Saturday

Shaina Magdayao teams up with Ejay Falcon on ‘MMK’ this Saturday

For the first time, Shaina Magdayao shares topbilling with Ejay Falcon for this Saturday's "MMK" episode.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

6/27/2014 in News
Shaina Magdayao teams up with Ejay Falcon on ‘MMK’ this Saturday

Magtatambal sa unang pagkakataon sina Shaina Magdayao at Ejay Falcon sa "Maalaala Mo Kaya" ng ABS-CBN ngayong Sabado (Hunyo 28).
 
Gagampanan ni Shaina ang karakter ni Berna, isang mayamang honor student na nangarap makatuluyan ang isang lalaking magbibigay sa kanya ng mas masaganang buhay. Ngunit nang magtapos siya sa kolehiyo, nahulog ang loob niya sa isang gwapo at masipag na konduktor ng jeep na si Mark (Ejay).
 
Mapipigilan ba ang puso na umibig sa isang taong malayo sa iyong inaasahan? Tampok rin sa upcoming episode sina Sheryl Cruz, Gerald Madrid, Cris Villongco, Almira Muhlach, Ron Morales, Matet de Leon, Melai Cantiveros, Wendy Tabusalla, Carlo Romero, KitKat, at Vandolph Quizon. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Eric Quizon at panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos.

Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-del Rosario. Huwag palampasin ang "Natatanging Dulang Pantelebisyon" ng 2014 Gawad Duyan Media Awards, "MMK," tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng "Home Sweetie Home" sa ABS-CBN.

 Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER