• Home
  • News
  • Anne Curtis to Vhong Navarro: 'It's so good to have you back, my forever partner'

Anne Curtis to Vhong Navarro: 'It's so good to have you back, my forever partner'

The "original" partners, Vhong and Anne are finally reunited on "It's Showtime."

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

3/10/2014 in News
Anne Curtis to Vhong Navarro: 'It's so good to have you back, my forever partner'

On the March 8 episode of ABS-CBN's noontime show "It's Showtime," the host-actor Vhong Navarro tearfully went onstage to announce his official comeback in the said show.

His co-host Anne Curtis, on the other hand, saying, "we missed you so much. From day one, ikaw talaga ‘yung partner ko dito sa stage."

Anne adds, "It's so great to have you back on stage, my forever partner, ikaw lang 'yon, walang iba. It's good to have you back safe and sound.... Nandito lang ako lagi para sa 'iyo Vhong, I got you."

Vhong, touched by Anne's message, replies, "Alam ko naman 'yon, e. Ang sarap mapakingan ng mga messages mo, ang sarap mabasa ng messages mo at ang sarap pakinggan ng sinasbai mo ngayon. Marami akong gustong sabihin sa 'yo kaso ayoko muna. Pero, Anne, salamat sa pagiging partner ko dito mula sa simula. At alam ko hindi ka bumitaw bilang isang kaibigan ko. Talagang nakasuporta ka sa akin. Salamat."

Billy Crawford, also gave a short message for Vhong - "we're so happy, we are so blessed kasi parang ano, e, parang butas ang Showtime kapag wala ka. Pilay na pilay kami kapag wala ka. Pero ginagawa lang namin ang kailangan naming gawin araw-araw na pagpapasaya sa aming madlang people."

On Vhong's speech, he admitted that making other people laugh will not be as easy for him as before.

He said, "Ang sarap po pumasok, parang bahay po ito, e, kasi pantay-pantay tayong lahat--wala pong mayaman, walang mahirap, wala pong sikat, wala pong hindi. Pero, ngayon po at sa mga susunod pang araw, hindi ko po nararamdaman 'yon. Hindi ko po alam kung paano ako nakakatayo ngayon dito sa harapan ninyo.  Natatakot po ako, e. Natatakot po ako sa lahat ng pinagdadaanan ko ngayon sa buhay ko. Hindi ko alam kung magiging ako pa rin 'yong dating makulit, 'yong dating masayahin."

And yet he assured that he will try to bring his old grace back.

"Isang buwan mahigit po na hindi tayo nagkita-kita, hindi po tayo nagsama-sama dito sa Showtime--na-miss ko po kayong lahat madlang people," he exclaimed. 

"Nababasa ko po 'yong tweets ninyo, 'yong messages ninyo sa Instagram. Gustung-gusto ko pong magpasalamat sa inyo ng personal dahil patuloy po kayong sumusuporta sa akin, pinagtatanggol ninyo ako, pinaniniwalaan ninyo ako, at pinagdadasal ninyo ko. Yan po ang dahilan kung bakit ako nananatiling matatag para po harapin lahat ng pagsubok na dumarating sa buhay ko. 'Yan din po ang dahilan kung bakit ako nakakatayo ditto sa harapan ninyo.”

“At 'yon din po ang dahilan kung bakit gustung-gusto ko na magtrabaho, kasi 'yon po ako, e, gusto ko lang po magpasaya ng tao."

He also expressed gratitude to the ABS-CBN executives for the support.

"Siyempre gusto ko rin po magpasalamat sa ABS-CBN," he states. 

"Tapos kina sir Gabby [Lopez], ma'am Charo, kay Tita Cory [Vidanes], kay Tita Malou [Santos], kay Direk Lauren [Dyogi], kasi mula po nang simula pinaramdam po nila sa akin kung gaano kalalim ang ibig sabihin ng kapamilya.

"Ito po 'yong kahit hindi ka na kausapin 'yong kilala ka na nila, e, kilala na nila buong pagkatao mo, e. 'Yong yayakapin ka na lang at sasabihin sa 'yo na, 'hinding hindi ka nag-iisa.'"


He also thanked his manager, Direk Chito Rono, his group of legal counsel, and the doctors.

"At siyempre gusto ko rin po magpasalamat sa aking legal team: kay Atty. Alma [Mallonga], Atty. Ayo [Bautista], at Atty. Tony Calvento at sa iba pang lawyers na nagtulung-tulong.”

"Kasi nagpapalakas po kayo ng loob ko, lagi po kayong nasa likod ko, hindi po kayo bumibitaw, kayo po ang naggagabay sa akin kung anong gagawin ko at sa mga pagdadaanan pa natin. Salamat po sa inyo.”

"At siyempre sa mga taga-NBI, kina sir Rommel Ramirez at Atty. Fem. Kasi sa bawat binabalik naming 'yong nangyari sa akin, ang sinasabi ko lang, 'natatakot ako.' Pero salamat po sa inyong pagtityaga at pasensya na kayo kung paulit-ulit ko 'yong sinasabi dati. Pero sana habaan pa po ninyo ang pasensya ninyo sa akin.”

"At nagpapasalamat ako sa aking manager, kay direk Chito [Roño] na hindi lang tumayo bilang manager ko. Tumayo siya bilang pangalawang ama ko. Boss, thank you, thank you so much.”

"Siyempre sa aking mga doctor na inalagaan ako sa St. Luke's, salamat sa inyo especially kay Dok Kurt."

Vhong also disregarded network wars as he thanked some of his friends from "Kapuso" and "Kapatid" networks.

He then thanked his family and his girlfriend, Tanya Bautista

"At siyempre gusto ko magpasalamat sa aking pamilya. Salamat sa aking dalawang anak, salamat kay Tanya [Bautista], at salamat sa pamilya ni Tanya, na sa lahat ng pagsubok ngayon hindi nila ko iniiwan. Lagi silang nasa likod ko."

Vhong will officially host "It's Showtime" today, March 10.

Check the previous update about Vhong here

For more updates

Follow Vhong Navarro on:
Twitter: @VhongX44
Instagram: vhongx44

Follow Anne Curtis on:
Twitter: @annecurtissmith
Instagram: annecurtissmith

Follow Star Cinema
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema

For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit https://www.starcinema.com.ph/

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER