• Home
  • News
  • ‘MMK’ to feature the love story of a priest and nun

‘MMK’ to feature the love story of a priest and nun

Yen Santos and Arjo Atayde to portray the love story of a priest and nun on “MMK.”

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

12/4/2014 in News
‘MMK’ to feature the love story of a priest and nun

Pagmamahalang itinakda ng tadhana ang ibabahagi ng “Maalaala Mo Kaya” ng ABS-CBN ngayong Sabado (Disyembre 6) sa pamamagitan ng naiibang love story sa pagitan ng pari na si Francis (gagampanan ni Arjo Atayde) at ng isang madre na si Joanna (gagampanan ni Yen Santos).

Nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa nang himukin ni Sis. Joanna si Fr. Francis na makiisa sa isang non-government organization na tumutulong sa mga militanteng grupo. Mula sa pagiging simpleng magkakakilala na sabay nagma-martsa sa Mendiola, naging mas malapit sina Fr. Francis at Sis. Joanna dahil sa maraming bagay na pinagkikwentuhan nila gaya ng kanilang piniling bokasyon, ang pagnanais na makatulong at makapagsilbi sa kanilang kapwa, at ang kanilang personal na buhay.

Dahil sa labis na saya na dulot ng madalas nilang pag-uusap at pagsasama, umusbong sa pagitan ng magkaibigang Fr. Francis at Sis. Joanna ang isang espesyal na pag-ibig—isang damdaming nagtulak kay Sis. Joanna na iwan ang kanyang bokasyon upang iligtas ang kanyang minamahal sa posibleng pagbitaw sa kanyang pagpapari.

Anong mangyayari sa sandaling malaman ni Fr. Francis ang sakripisyong ginawa ni Sis. Joanna? Paano magagawa ng kanilang pag-ibig na higit pang mapalalim ang kanilang relasyon sa Panginoon?

Kasama rin sa upcoming “MMK” episode sina Gio Alvarez, Jopay Paguia, Abby Bautista, Minco Fabregas, Aleck Bovic, Melissa Mendez, Jerry O’Hara, Peewee O’Hara, Bodjie Pascua, Rubi Rubi, at Dale Badillo. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Elfren Vibar at panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos.

 

Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang “Maalaala Mo Kaya” na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” tuwing Sabado, 7:15PM, pagkatapos ng “Home Sweetie Home” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na ‪#‎MMKTadhana.

The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph. See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema on:

Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: ArjoAtayde  YenSantos 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER