Magbibigay-inspirasyon sa mga manonood ng “Maalaala Mo Kaya” ang award-winning child actress
na si Xyriel Manabat
na gaganap bilang dalagitang nananatiling positibo sa buhay sa kabila ng pagkakaroon ng progeria
, isang pambihirang sakit kung saan mabilis na tumatanda ang katawan ng isang bata kaya naman sa murang edad ay animo’y matanda na at nangungulubot ang balat nito.
Nagsimulang mabago ang buhay ni Rochelle
nang matuklasan ang kanyang sakit noong siya ay limang taong gulang at binigyan ng taning ng kanyang doktor na mabubuhay hanggang 15 taong gulang. Tanggap ang katotohanang maiksi lang ang itatagal niya sa mundo, nagpasya si Rochelle
na mamuhay nang masaya at maranasan ang mga pinagdaraanan ng mga normal
na ka-edad niya, kabilang ang pagmamahal.
Magiging susi ba ang pag-ibig upang higit na lumaban sa buhay, o ito ba ang magdudulot sa kanya ng mas matinding sakit?
Kasama rin sa upcoming episode
ng “MMK”
ngayong Sabado (Disyembre 20) sina Paul Salas, Aiko Melendez, Dang Cruz, Maggie Dela Riva, Ian De Leon, Eva Darren, Crispin Pineda, Paolo Angeles, Ishmael Claverio, Carlo Lacana, Andrei Garcia,
at JM Ibañez as Angeline
. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz- Alviar
at panulat nina Mary Rose Colindres at Arah Jell Badayos.
Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.
Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang "Maalaala Mo Kaya" na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers
sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders
ng programa.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology
sa Asya, "MMK,
" tuwing Sabado, 7:15PM
, pagkatapos ng "Home Sweetie Home"
sa ABS-CBN
. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter
, at i-like
ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet
ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode
ngayong Sabado gamit ang hashtag
na #MMKRochellesTime.
Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes
o past episodes
ng “MMK”
gamit ang ABS-CBNmobile
. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.
The ultimate line fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.
See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!
For more updates:
Follow Star Cinema on:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph