• Home
  • News
  • Ai-Ai Delas Alas, tanggap ng pamilya ni Gerald Sibayan

Ai-Ai Delas Alas, tanggap ng pamilya ni Gerald Sibayan

Masaya ang Queen of Comedy na si Ai-Ai Delas Alas na walang humahadlang sa kanyang relasyon kay Gerald Sibayan.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

12/17/2014 in News
Ai-Ai Delas Alas, tanggap ng pamilya ni Gerald Sibayan

Masayang ibinahagi ng Queen of Comedy na si Ai-Ai Delas Alas sa isang panayam sa PEP.ph na hindi lang mga anak niya ang pabor sa kanyang relasyon sa 21-year old na si Gerald Sibayan.

"Alam mo si Sancho, hindi lamang siya, kundi the rest of my children, pinalaki ko 'yan sa tamang paraan, sa pagmamahal, the best that I can do, the best that I can ask the Lord on how I can handle kids,” saad niya. "It's only my children who can see, sila lang ang nakakakita kung anong klaseng relasyon meron kami ni Papi (Gerald).”

Iginiit din niya na nagmula sa isang disenteng pamilya si
Gerald.

“Kasi, ang parents ni Gerald, ayoko na ring isali sa usaping ganito, but for the sake lang na ipagtanggol ko din naman si Gerald, disente ang pamilya nina Gerald,” dagdag niya. "Army ang tatay ni Gerald, kaya, anything na medyo crucial, ayoko na silang isali. Kasi ang tatay ni Gerald, nirerespeto sa...mommy rin niya, Army.”

Nakilala na rin daw ni Ai-Ai ang pamilya ni Gerald ngunit iginiit niya na hindi na daw niya kailangan pang ibahagi sa press.

"Hindi naman namin pinag-uusapan...yun, nandun ako sa kanila sa birthday ng papa niya, sa birthday ng mama niya,” aniya.

Bukod sa iniisip ng ibang tao, nakatuon di umano si Ai-Ai sa kanilang relasyon.
"Siyempre ako,
I want to have him...gusto kong tumagal ang relasyon namin, si Lord lang ang nakakaalam niyan,” giit niya.

The ultimate line fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema on:

Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: AiAiDelasAlas 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER