• Home
  • News
  • Slater Young nag-react sa bagong pag-ibig ni Rachelle Ann Go

Slater Young nag-react sa bagong pag-ibig ni Rachelle Ann Go

Wala na kaya talagang pag-asang magkabalikan sina Rachelle Ann Go at Slater Young?

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

12/12/2014 in News
Slater Young nag-react sa bagong pag-ibig ni Rachelle Ann Go

"I hope she's happy.”

Ito ang naging pahayag ni Slater Young tungkol sa napapabalitang pakikipagmabutihan ng kanyang ex-girlfriend na si Rachelle Ann Go sa theater actor na si Dale Evans, na kanyang co-star sa Miss Saigon London.

Gayunpaman, iginiit ni Slater na bagamat maiksi lang ang kanilang pinagsamahan bilang magkarelasyon, nanatili parin daw silang magkaibigan.

Wala naman. We ended up pretty okay considering na usually pag nag-be-break up sala na, di na nagpapansinan,” saad niya sa panayam sa PUSH.com.ph. “Okay naman kami. Friends parin kami.”

Ibinahagi rin ng “#Y” actor ang dahilan ng kanilang hiwalayan at kung bakit tumagal lamang ng tatlong buwan (January-March 2014) ang kanilang relasyon.

"More on mutual agreement. It's not working out and nahihirapan kami [with] the situation," sagot ni Slater ng tinanong kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan. "Right after she left (for London) we decided na medyo mahirap talaga. Maybe it's the time. Si God na lang muna ang bahala."

Hindi rin masabi ni Slater kung may pag-asa pa ba silang magkabalikan.

"Well we can never predict the future. We'll see, we'll see. As of now I don't see it working out,” paliwanag niya. “Kumbaga na magkabalikan kami, but we'll never know."

The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER