• Home
  • News
  • Diether Ocampo and Yam Concepcion play secret lovers on ‘MMK’

Diether Ocampo and Yam Concepcion play secret lovers on ‘MMK’

Diether Ocampo at Yam Concepcion mag-aala Sir Chief at Maya sa isang “MMK” episode?

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

12/11/2014 in News
Diether Ocampo and Yam Concepcion play secret lovers on ‘MMK’

Bibida sina Diether Ocampo at Yam Concepcion sa upcoming drama episode ng "Maalaala Mo Kaya" ng ABS-CBN ngayong Sabado (Disyembre 13).

Gaganap si Yam bilang si Leng, ang masayahin at masipag na maid na magpapalambot ng puso ng karakter ni Diether na si Ronnie, ang seryoso at istriktong amo niya na isang single parent na may dalawang anak.

Paano nagsimula ang sikretong pagmamahalan ng mag-among Ronnie at Leng? Anong gagawin nila sa sandaling kontra ang pamilya ni Ronnie sa kanilang relasyon?

Makakasama nina Diether at Yam sa upcoming "MMK" episode sina Tetchie Agbayani, Robert Seña, at Raikko Mateo. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando at panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos.

Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang "Maalaala Mo Kaya" na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.


Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, "MMK," tuwing Sabado, 7:15PM, pagkatapos ng "Home Sweetie Home" sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na ‪#‎MMKMaidForEachOther.

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER